Kuwento ni Lola Basya #25- Sampaguita

168 3 0
                                    

"Prince Zeus Coral in a relationship with Hannah Sarmento."

Pag-bukas ko ng account ko sa facebook ayan agad ang bumungad sa akin. Ito ang relationship status ng ex ko for almost 3 year's, nag-hiwalay kasi kami dahil pinagpalit niya ako sa akin pinsan. Nandito ako ngayon sa tapad nang Simbahan kung saan dito una kami nag kita ni Zeus.

"Ate! Ito po sampaguita may nag papabigay para sayo at pinapasabi niya huwag ka na raw umiyak." Habang nagpupunas sa aking mga luha bigla nakuha ng gusgusin bata ang akin atensyon.

"Hmmmm! Ano sinasabi mo bata?" Pagtataray ko sa kanya baka kasi mamaya budol-budol ito.

"Sungit mo naman po ate." Nilahad na lang niya ang kanyang kamay habang may sampaguita na bitbit.

"Kunin ninyo na lang po kasi wala naman yan lason tsaka bayad na po yan ate." Para hindi na siya mangulit pa kinuha ko na ito.

"Sige ate aalis na ako at pinasasabi ni kuya na ''Life is too short to be sad.'' Ika niya sabay kumaripas sa pag takbo. Weird! Dahil makulimlim na ang kalangitan na pag desisyon ko na lang umuwi bago pa umulan.

---
"Anak, gumayak ka na rin diyan at mag sisimba tayo ngayon." Linggo ngayon kaya naman mag sisimba ako kasama si nanay. Isang simple puting bestida ang aking suot at habang nakalugay ang akin buhok sabay sabit ng shoulder bag ko.

"Ate! Buti naman po nakita kita ulit dito," tawag pansin sa aking ng bata na naka-usap ko kahapon at pansin ko may hawak na naman siyang sampaguita. Tapos na ang misa kaya pa-uwi na sana kami kung hindi nakita ni nanay ang kanyang kumare kaya sabi niya mauna na lang daw ako sa pag-uwi.

"Ate?" patanong niyang tawag at halata na pagod siya sa pag-takbo malamang para lang mahabol ako.

"Ahihihihi! Salamat daw at ang ganda mo ngayon at ito po ulit ang sampaguita para sa isang maganda dilag na katulad mo. Si kuya po ulit nagpapabigay,"

Mahaba niyang lintaya at bakas sa munting labi niya ang isang purong ngiti. Kaya namalayan ko na lang ang akin sarili na bukas palad na kinuha ang sampaguita.

"Salamat bata ang bait naman ng kuya mo at panay ang bigay sa akin nitong sampaguita," puno na senseridad kong paghihiwatig habang tinaas yung sampaguita.

"Ah--Ahh ka--kasi ang ganda po ninyo," medyo namumula pa siya habang sinasabi yan marahil mahiyain ang kuya niya kaya siya ang pinapaharap sa akin.

"Oo, nga pala bata, Sino ba iyang Kuya mo? nais ko lang kasi personal na pasalamatan." Nanglaki ang kanyang mga mata sa aking tanong ngunit agad naman ito napalitan ng tingin na parang nag seselos (isa kasi akong Psychology student kaya medyo madali sa akin makabasa ng tao)

"Ahh-ehhh! Huwag na po ate tsaka mahiyain po kasi siya." Sabay kamot niya sa kanyang ulo.

"Ga-" "ANAK! nandyan ka pa pala halikana at uuwi na tayo." Naputol ang aking sasabihin dahil sa alarm- clock este sa sigaw ni nanay tapos na siguro siya makipag-usap sa kanyang kumare.

"Ba-" putol ko naman ika kasi sa pag harap ko ulit sa gawi ng bata kanina wala na pala siya roon.

---

"Bessyyy! Halika mamasyal tayo." Nagising ang natutulog kong diwa dahil sa pag katok ni Rhaine sa pinto.

"Arrggghhhh! Naman ulan natutulog ako. Balakadyan" pero ang gaga naka pasok na pala sa kwarto at hinatak ako pababa sa kama.

"Ano ba naman yan Ulaaaannnnnnn." Busangot ako habang nag patahak na lang sa kanya kung saan niya ako dadalhin.

Nandito kami ngayon sa park kung saan hindi kalayoan sa amin bahay ayon kay Ulan nais niya lang daw manglibre kaya sinama niya ako rito.

"Bibili lang ako pag kain ngets diyan ka lang huh." Tumango na lang ako bilang sagot habang inaaliw ko ang akin sarili ngunit hindi rin ito nag tagal dahil pansin ko ang isang kompolan ng mga tao sa tapad ng Simbahan kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan namalayan ko ang sarili na kumaripas ng takbo papunta roon.

"Kawawa naman si Sam ang bait na bata pa naman."

"Nag titinda lang ng mga kendi pero napagdiskitahan ng mga adik sa kanto."

"Sumalangit nawa ang kaluluwa niya."

Iilan lang yan sa mga naririnig ko habang pinagsisikan ko ang aking sarili upang makita kung ano ang meron. Hindi naman ako nabigo dahil agad kong natanaw ang isang dugoan bata na may suot na puting sando, dilat ang kanyang mga mata at nakalatag ang mga paninda niyang kendi dahil sa ilaw na aninag ko ang kanyang mukha at laking gulat ko na ito yung batang binibigyan niya ako ng sampaguita. Ang batang minsan nag bigay saya sa akin kahit kahapon ko lang siya nakilala ngayon isa ng malamig na bangkay.

"Siya si Sam pitong taon gulang." Napalingon ako sa likod ko dahil sa baritonong boses ang nag-sasalita.

"Huh?" gulat kong tanong sa kanya habang ang kanyang mga mata ay nanatili sa batang dugoan na kung hindi ako nagkakamali siya si Sam.

"Isa siyang kendi vendor sa murang edad maaga niya siya nag babanat ng buto upang makaraos sa pang araw-araw nila mag kakapatid. Siya kasi ang panganay kaya ganyan." Tumingin siya sa akin saglit habang ngumiti at pansin ko may hawak din siyang mga sampaguita.

"Ito ba?" Marahil napansin niya na napatingin ako sa kanyang dala kaya itinaas niya ito.

"Te--Teka lang. Ikaw ba yung kuya na tinutukoy niya?" tumango lang siya bilang sagot.

"Kung-" "Mali ka kung ano man nasa isip mo Miss." Nagugulohan man sa kanyang batid ngunit hinayaan ko na lang siya mag patuloy.

"Si Sam siya talaga nag papabigay ng mga sampaguita sayo at sa aking lang siya bumibili," sagot niya sa akin.

"Kung ganun pala, bakit sabi niya galing kay kuya?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Dahil crush ka niya Miss kaya nahihiya siyang sabihin ang totoo sayo kaya pinapalabas niya galing sa Kuya niya. Naalala ko kahapon sabi niya sa akin na dito sa Simbahan na ito kayo mag papakasal ika pa niya kaya sampaguita ang binigay dahil kasing puro ang pagmamahal niya sayo ang simbolismo nito. Kaya kahapon binigyan ka na niya dahil ayaw niya makita kang umiyak," mahabang monologo niya kasabay nito ang pag hampas nang malamig na hangin sa akin.

"Oo, nga pala ako si Calvin ang kanyang nakakatandang kapatid. Nakakaawa man ang sinapit na trahedya ng akin kapatid ngunit nagagalak ako sa kanyang murang edad ay puro ang kanyang pag mamahal. Ito nga pala kung sakali daw makita kita pinapasabi ni Sam ito ang pangatlong sampaguita para sayo." Kinuha ko ito habang halo- halong emosyon ang aking nararandaman. Tila ba ang sampaguita na ito naninirahan ang kaluluwa ni Sam.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now