Kuwento ni Lola Basya #21- Pag-Iibigan na Dekada 90's

228 3 0
                                    


[Mula ito sa aking sobrang weird na panaginip at hindi matangal sa akin imahinasyon kaya gagawan ko na lang ng istorya.]

-----

Isang kasiyahan ang nagaganap ngayon mga Ginoo at Binibini nasa gitna upang umindak sa salyo nang musika. Yung iba naman nasa gilid upang nag hahalakhakan sa kanilang mga kuwento habang suot-suot ng mga Binibini ang kanilang mga iba't ibang kulay na bestida habang ang mga Ginoo naman lumang maong at barong. Napaka positibo ng atmospera sa paligid ngunit ito ako sa gilid hindi man lang magawa makisama sa mga sumasayaw.

"Maari bang malaman ang dahilan na inyong pag-iisa at paghihimotok dyan sa gilid Binibini? Kung hindi mo mararapatin ikaw nais kung tabihan upang makinig sa inyong pag dadalamhati." Sa gitna ng pag-iisa ko biglang may lumapit na isang Ginoo sa aking habang may tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Pansin pa ang pamumula nito hindi dahil nakainom ngunit nahihiya ito.

"Pag-umanhin mo kung ikaw na bigla ko. Ako nga pala si Julio, Ano iyong ngalan, Binibini?" Magalang niyang pag kausap sa akin.

"Ako si Maria maaari ka naman umupo Ginoo ngunit bigyan mo na lang ito nang distansya at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa atin paligid." Tila kinakauusap ako ng anghel dahil sa kanyang boses.

"Maraming salamat Binibini lubos ang kabusilakan ng iyong puso. Ngayon maari ka na mag labas nang saloobin mo sa akin kung ano ang dahilan ng iyong pag-hihimotok kani- kanina lang." Ang kanyang mga mata at pananalita ay nagpapahiwatig na puro ang kanyang intensyon. Habang pinapanatili niya ang distansya sa aming dalawa.

"Ginoo, ang aking ina't at aking ama kasi nag pag desisyonan mag hiwalay at dahil doon iniwan na kami ng lubosan ni Ina. Si ama naman dadalhin na kami sa syudad isang linggo mula ngayon." At para bang may taglay siya na mahika sa pamamagitan nang kanyang ngiti namalayan ko na lang ang aking sarili na nakikipag-usap sa estranghero na ito.

Hindi ko inaasahan sa simpleng pag-uusap namin ni Ginoong Julio ang siya magdadala sa akin sa kakaibang kabanata ng aking buhay. Simula nang gabi iyon mas tumibay ang naging pundasyon nang aming samahan.

-----
"Binibini Maria, hintayin mo ko sa ilog na iyon mamayang takipsilim may sasabihin akong importante," Pag bibigyan impormasyon sa akin ni Ginoong Julio. Habang tinuturo ang isang napakalinaw na ilog sa hindi kalayoan. Nandito siya ngayon sa bahay at dinadalaw ako dahil hindi maganda ang aking pakirandam.

"Walang problema, Ginoo asahan mo ang aking presensya mamaya," masaya kong usad sa kanya. Kahit pa wala ako sa akin huwisyo ngunit batid ko ang kanyang sasabihin talaga importante sapagkat nais pa niya maging saksi ang ilog na iyon.

"Kung ganun ako na ay aalis Binibini at hahayaan ka muna magpahinga upang may sapat ka nang lakas mamaya," paalam niya sa akin. Kahit pa mamaya pa ang aming pag kikita mas minabuti ko na lang mag linis sa bahay kahit pa masakit pa ang aking katawan para pag dating ni Ama malinis na ang lahat. Lumipas ang oras at malapit na mag takipsilim tamang-tama handa na ako, sakto rin naman nandito na si Ama at aking bunsong kapatid natutulog na.

"Maria, saan ka pupunta mag tatakipsilim na?" Takang tanong ni Ama habang pagod na pagod umupo sa upoan. Madungis ito dahil galing sa sakahan.

"Ama, Maaari ba pumunta saglit sa ilog? May importante lang po kasi akong pupuntahan," pagpapaalam ko.

"Ganun pa sige pero saglit lang dahil gusto ko ihanda mo na ang mga dadalhin natin sa Maynila." Ang mga katagang yun nag pa gising sa akin sa reyalidad dahil lumipas na pala ang isang linggo at tutuloy na kami pa punta sa syudad.

-----

"Binibini, ako'y nagagalak dahil naka punta ka hayaan mo muna ikaw ma-upo rito. May iialay lang ako sa'yo saglit lamang ito," masiglang bati ni Julio sa akin habang pinapa upo ako ngayon. Mabigat man ang aking pakirandam pero hinayaan ko muna ito iwaksi alang-alang kay Julio.

"Binibining Maria, ang iyong mata kasing kinang ng tala na permanente na ito sa aking alala." Si Ginoong Julio inaalayan na ako ngayon na isang orihinal na tula.

"Tila ba ito ang nag bibigay ningning sa akin madilim na buhay, Binibining Mar--."

"Gin--Ginoo huwag mo na ituloy pa." Simula ng mag punta ako rito sa kanyang mga matatamis na ngiti at ang kanyang tulang inalay para sa akin. Mas maigi na matigil ito para hindi na siya masaktan akin pag lisan.

"Binibini ano ang iyong nais ipabatid? Dahil sa totoo lang nandito tayo ngayon at ang tula na aking sinasabi ang siyang magiging boses ng aking pag-ibig para lang sayo," mahaba niyang diyalogo habang may hindi maipaliwanag na ekspresyon ng kanyang mukha.

"Patawad Ginoo ngunit kami na ay aalis pa tungong syudad bukas. Gayon pa man hindi ko kayang suklian ang iyong pag tingin para sa akin. Ginoo Julio, maraming salamat sa lahat ngunit hanggang dito na lang tayo." Pag bitaw ko ng mga katagang iyon siyang pag buhos nang malakas ng ulan habang binabagtas ang daan patungo sa amin.

"Mar--Mariaaaa." Sa huling pag kakataon na dinig ko ang boses ni Julio habang garalgal na binibigkas ang aking pangalan. Masakit man pero kailangan ko gawin ito at ang magandang ilog ang siya naging saski sa pagpatak ng aming mga luha.

-----
"Miss, hey are you okey? you're spacing out. Here drink this one." Sa pag mulat ko ng aking mga mata lubos ako nagugulohan dahil nasa isa akong maingay na lugar, mga taong sobrang iksi ng mga suot at may isang lalaki kinakausap ako.

"Ju--Julio? Ikaw ba yan Ginoo patawa--rin mo ako." Lubos aking pag tataka dahil nasa aking harapan si Julio kahit pa sa kanyang magarbong pananamit pero hindi ako puwede mag kamali siya iyan. Dahil ang kanyang mapupungay na mata, mala anghel na boses at sinseridad.

"Hey miss I'm sure you're drunk and by the way its Luke Clemente and not Julio." Impossible. Si Julio ito pero bakit ganun ang kanyang pananalita naiiba.

"Sapphire, you're here come on girl you're drunk lets go home." Mas nagugulohan pa ako lalo na may humigit sa akin na babae habang sobrang kinang ng kanyang buhok.

"Jul--Julioo alam ko malaki ang aking kasalan ngunit ako ito si Maria ang iyong sinisinta."

"Hey stop that you're just drunk Miss and by the way I have a fiance her name is Carol and we going to be husband and wife."

"Sapphire, omg girl you're so nakakahiya lets go." Sa pag higit niya sa aking ang siyang pag-alis ni Julio kasama ang babae na may pangalan Carol habang hawak-kamay sila at tuloyan nawarak ang aking puso sa nasilayan ko at nagpatianoad na lamang ako sa babaeng may ginintoang buhok habang may bigat na nararamdaman na hindi ko rin maipaliwanag.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon