Kuwento ni Lola Basya #2- Hypebeast 2018

2.8K 20 2
                                    

"O to the M to Geeehhhh! Ang ganda niya talaga par mga pormahan hypebeast ang nais," histerikal na wika ni Asya. Dahil nakita niya na naman yung crush niya na sobrang ganda raw.

"Hayyyttsss! Halika na nga par malalate na tayo." Kinaladkad ko na lang siya dahil wala ata siyang plano wakasan ang pag-papantasya niya kay Shen ang babaeng hypebeast.

----
"Woi par balita ko lilipat na raw ng paaralan si Shen." Pag karinig ko ng balita na aalis si Shen at lilipat ng paaralan agad hinanap ng mata ko si Asya panigurado malulungkot na naman ito dahil yung long term crush niya ay tuloyan ng lilisan.

"Huwag kang mag biro ng ganyan Eros hindi nakakatawa at lalo wala ako sa mood tumawa," himotok ni Asya. Kitams mo ito ako na nga iyong concern siya pa yung galit.

"Hindi naman kasi ako nag bibiro Asya kasalukoyan na nga niyang inaayos mga kinakailangan para lumipat. Aalis nga kasi si Shen." Agad namilog ang kanyang mga mata at tuloyan tumakbo pa punta siguro siya sa faculty room. Hayyttsss! Asya kung bakit pa kasi madalas sa kapwa mo pa babae ka nag kakagusto nandito lang naman ako sa tabi mo palage ako ito may depekto sa mata pero kung ikukumpara sa amin dalawa mas malabo ata yung sa kanya. Monologo ko habang tinatahak ang daan patungo sa faculty-room.

----
"Huhuhuhuhu! Lahat na lang iniiwan ako wala na si Shen yung babaeng dalawang taon kung sekretong minahal."

"Eros, naman kasi kung bakit ba kasi ang duwag ko. Nakakabanas naman na buhay ito," walang hantong na monologo ni Asya. Nandito kami ngayon sa parke pinili kung samahan siya dahil na rin mag sisilbi akong gamot sa bawat natatamo niyang sugat.

"Par naman kasi, bakit babae pa? hindi mo tuloy nakikita yung ginoo nandyan lang sa tabi mo." Agad siyang lumingon sa akin kasabay ng pag pupunas ng kanyang mga luha na unti unti tumatakas sa kanyang mga mata.

"An--Ano pa naman pinagsasabi mo riyan, Eros?" manhid talaga sa tagal tagal namin mag kasama hindi man lang niya nararandaman na mahal ko na siya.

"Asya Mineses matagal na kitang gusto sana naman masuklian mo ang pag tingin ko sayo." Sa wakas nasabi ko na rin ang mga katagang takot na takot akong bigkasin para sa kanya.

"So--Sorry par pero babae ang gusto ko pa--patawad." Agad naman siyang tumakbo kasabay ng pag durugo na puso ko unti-unti ako nilalamon ng sakit dulot ng kanyang sagot.

---
"Emeged! Feeling ko tranferee siya."
"Sheeemmmsss, ang gwapo naman that boy."
"Wala na mga dzae finish na."
"Kyaaaahhh! Penge barya."
"How to be yours po mr.hypebeast?" Iilan lang yan sa mga komento na aking naririnig ang mga babae nga naman noong nerd look ako nilalagpasan lang ako tila ba isa akong nilalang na nakataklob ngayon pinili ko iba ang aking anyo hindi sila mag kaundadaga sa kakasigaw.

"Er--Eros saglit jusko anyare sayo?" Nag-tatangka tanong ni Peria ang kaklase namin ni Asya hindi pa nakontento talagang inukatan pa ako ng tingin.

"Wala naman, oo nga pala nakita mo ba si Asya?" Kanina umaga kasi pag punta ko sa kanila sabi ni tita na una na daw siyang pumasok iniiwasan ata niya ako.

"Oo, nag mamadali nga yun at pinapaabot sulat na ito sayo." Sabay lahad niya ng puting papel na may naka-ukit na par Eros.

----
Dear Eros,

Par? patawad pala kung hindi kita magawang mahalin pa balik wala ihh tinamaan talaga ako kay Shen. Oo, Nga pala patawad din hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa'yo pupuntahan ko si Shen sa kanila para masabi ko ang pag-Ibig ko sa kanya (yuck korni) ahahah! pero par mahal na mahal na kita bilang kaibigan at kung hindi man ako para sayo may isang babae lang nakaalan para mahalin ka ng puro isang dilag na kung saan handa ka sagibin sa pag kakalunod mo at bubuoin ang kulang sayo.

Parpar Asya (pogi moto)

----

"Owh Eros drama mo naman halika na nga treat kita ng ice cream," pa anyaya ni Peria. Nang makita akong umiiyak pag katapos kung basahin ang sulat ni Asya.

"Sige," walang kabuhay buhay kung sagot. Yung dilag na dahilan ng pag babago anyo ko yung dilag na dahilan kung bakit ako nag feeling hypebeast ay nilisan na pala ako ng tuloyan hindi man lang nakita ang effort na ginawa ko.

"Tsss! busangot ka riyan Eros lantakan mo na yung ice cream matutunaw na yan." Dahil sa pagiging lutang hindi ko namalayan na kanina pa pala kami ni Peria dumating sa ice cream parlor.

"Salamat," ang tanging nabulalas ko. Sa aking bibig kasabay na pag lantak sa rocky road ice cream.

"Walang ano man Eros ko. Ahahaha! de joke sige pa kain lang para maging malamig ang puso mong kanina pa nag-aalab sa sakit."

"Oo nga pala mr. Hypebeast gwapo mo sobra ahahaha." Biglaan niyang tugon niya sa akin kaya napatawa na rin ako sa presensya niya.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now