This page contains Yvette Lianne Miranda and her mundane life. Her nickname is Lia. Walang tumatawag sa kanya by her first name bukod sa kanyang Mama Ysabelle at Kuya Yves tuwing napapasaway ito. She’s using she/her pronouns. Labing anim na taong gulang na ito at nag-aaral sa PH Media Institute, kung bakit ay hindi pa nito naiiisip.
Hilig nito ang pagkain at paborito niya ang espesyal na palabok ng kanyang Kuya Yvonne. Bunso ito sa magkakapatid (pero hindi ibig sabihin no’n ay baby siya sa pamilya!) Wala itong paboritong kulay pero ayaw niya sa kulay itim. Ayaw na ayaw niya sa mga white t-shirt na may print ng pangalan o mukha ng kandidato sa likod at harap nito.
Ang pagkuha ng litrato ang naging kahiligan nito at nasuwertehan ngang puwede niyang mapag-aralan ito sa nadaanang institusiyon habang umiiyak kasama ang mga nakakatandang kapatid dahil hindi nakapasa sa first choice niya school. Bakit naman kasi may entrance exams sa high school?
Walang ideya si Lia sa gusto niya sa buhay. Wala siyang pangarap. Wala siyang nakikitang bagay na gugustuhing gawin habambuhay. Required nga ba talaga ‘yun? Bakit hindi na lang puwedeng maging baka sa gitna ng isang bukid na nabubuhay lang sa damo? Maraming tanong si Lia sa isip pero tulad ng 32 gigabyte na SD Card ng kanyang digicam ay hindi na ito kayang dalhin ng isip niya.
━━━━━━━━━━
(PS. If lost, return to [censored address]. Please 'wag niyo pong iabot kay Yves… at sa kung sino’ng chismoso na nagngangalang Yvonne. - Lia)

YOU ARE READING
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922