35

260 38 10
                                        

35

December 31

10 PM

Dear Karmi,

New Year's Eve. Dagsa ang tao sa supermarket kanina para mamili ng handa at kung ano-ano pa para sa salubong mamaya. Abalang abala ang lahat ng tao sa bahay sa pagluluto at pagdedekorasyon. Si Kuya Yves, parang may pinakilala siya kanina. Kinuwento lang sa akin ni Kuya Lio dahil umiidlip ako sa kwarto. Love raw iyong pangalan. Grabe. Nagbibinata na si Kuya Yves, finally! Si Kuya Lio naman nasa dean list. Tuwang tuwa ang magulang namin. Ang saya lang. Sana magtuloy-tuloy na ito. Sana ikaw rin, Karmi. Sana masaya ka.

Hindi na ako madalas magsocial media kaya wala na akong balita sa iyo. Iniiwasan na rin ng mga tao rito sa bahay na buksan ang TV para lang hindi kita maalala. Pero sino'ng niloloko ko? Ang dami kong drama pero itong diary ko ikaw pa rin ang laman.

Happy New Year, Karmi. Sana sa bagong taon na 'to, maraming magagandang pagbabago at better opportunities ang ilaan sa iyo. Sana marealize ng parents mo kung gaano kasahol ang ginagawa nila. Sana marealize mong you deserve so much better and so much more.

I was still grateful that you became a part of my life. I was grateful for making me feel that I wasn't alone.

You were once a stranger, a best friend, and my first crush. And I will always keep the good memories we had in my heart.

entangled stringsWhere stories live. Discover now