05

371 56 21
                                    

April 14

Friday

10 AM

Deary diary,

Tahimik pagkagising ko. Pumunta si Kuya Lio sa event ni Karmi. Napapaisip tuloy ako kung normal ba talaga ito? Isa pa, nasa kolehiyo na si Kuya. Dapat sa kanya pinagsasabihan, eh. Pero ewan ko ba, ganito ba talaga ang showbiz industry? Pero itong si Kuya talaga. Ewan. Kung nandito lang si Kuya Yves baka nasermonan na siya. Busy kasi sa furniture house sa Prieto si Kuya, eh. Siya ang breadwinner ng pamilya. Siya rin ang nagpapatakbo ng babuyan nila Mama at Papa sa bayan. Kuya Yves best boy!

Excited na ako bumalik sa school. Buti na lang good mood ako dahil nagluto si Kuya bago umalis. Tama! Set your priorities straight, Lio! Joke. Ligo na ako.

7 PM

Tuwang tuwa si Kuya Lio pag-uwi niya. Napirmahan kasi iyong isang album niya kahit ang higpit ng security. Kulang na lang ipagsigawan ni Kuya sa buong kapitbahay ang nangyari. Tuwang tuwa rin naman ang mga magulang namin. Hindi nagsisink-in sa utak ko kung gaano siya kasikat? Dahil ba sa boses niya? Ewan ko. Hindi ko magets. Hindi ko rin talaga siya feel. Hater na ba ako? Baka maging kaklase ko pa siya at pati ako mabulahaw sa mga pagsubaybay sa kanya ni Kuya. Huwag naman po sana. Huhu.

11 PM

Sinubukan ko kausapin sila Mama at Papa tungkol kay Kuya Lio at sa pagsubaybay niya kay Karmi. Normal lang naman daw humanga ang isang tao sa isang artista. Huwag na daw bahiran ng malisya. Mukhang fan lang din naman daw si Kuya dahil sa music niya. Okay. Basta laging masarap ang ulam at hindi ako nadadamay. Excited na ako bumili ng gamit para sa school bukas! Ano ba talagang kulay ng Math? Green, red, o blue? Ewan ko ba sa school hanggang ngayon requirement pa rin ang kulay bawat subject.

Goodnight!

entangled stringsWhere stories live. Discover now