06

353 57 8
                                    

06

April 15

12 PM

Dear diary,

Walang ganap sa buhay ko, siyempre. Gumising at kumain lang ako at heto nagsusulat ng entry. Mamaya pa kasing ala-singko ang alis namin papuntang Mall. Ewan ko kay Kuya Lio, gusto raw niya ng night shopping. Daming alam malamang konektado na naman kay Karmi ‘yan. Si Kuya Yves naman halos sa furniture house na namamalagi at uuwi lang kapag weekends.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa utak ko at naisipan kong gumawa ng diary. Baka hindi ko pa nga mapanindgan kapag nagsimula na ang klase. Siguro kasi kahit ilang taon na ako sa highschool at kahit media student pa ako, wala pa akong nakikilalang solid na kaibigan. Hindi naman ako totally introvert pero ayoko rin naman magtiwala agad-agad. Hay. Ewan. Sana palarin this school year. Well, less friends less drama sa buhay, ‘di ba? Pero ewan ko ba, kahit mga kuya ko hindi pala-kaibigan. Mararamdaman ko lang na may tropa sila kapag birthday nila. Buti na lang hindi issue sa bahay iyong mga ganitong bagay. Close naman kasi ako sa magulang ko. Wala naman akong problema, pero sa ngayon feeling ko wala rin akong purpose. Ewan. Highschool pa naman ako, eh.

9 PM

Anak ng tokwa si Kuya Lio. Si Karmi nga ang pinunta namin at hindi Unibooks (pero nakabili pa rin ako ng gamit! Dapat lang!) May album signing event siya sa Mall at siyempre dagsa ang mga tao. Kinanta niya ‘yong mga naririnig ko na pinapatugtog ni kuya sa bahay. Grabe ang tuwa ni kuya pati magulang namin natatawa sa kanya. Ako? Hindi! Halos isang oras kaming nakatayo para lang panoorin iyong artista kumanta at pumirma ng album. Hindi ko gets iyong saya na dala nito pero sige. Hay.

Inayos ko na mga gamit ko sa bag ko. Nakikipag-usap ako sa internet friends ko ngayon. Hindi si Karmi ang topic pero ang mga kanta niya. Ilang beses ko na napakinggan ang mga album niya dahil kay Kuya Lio. Kulang na lang magsulat ako ng album review.

Sabi ni Kuya Yves pula daw ang Math. Feeling ko kasi green. Sana hanggang kolehiyo ganito iniisip ko, ano?

entangled stringsWhere stories live. Discover now