32

210 37 5
                                    

32

November 25

7 PM

Dear Karmi,

Nakita kita sa balita kanina. Nahimatay ka raw habang nagpeperform sa album launch mo. May ilang blind items na lumalabas na tungkol sa iyo. Na hinahayaan ka ng magulang mong ma-sexually exploited ka para sa pera at mapalaki ang entertainment company niyo. May isang video pa na nagviral sa Twitter na tinatawag kang “mommy” sa crowd at naibato mo iyong mikropono sa audience dahil sa galit. Naalala ko kung paano ka umiyak sa akin dahil hindi mo gusto ang ginagawa mo at ito na nga, hindi na nakakabuti sa kalusugan mo ang ginagawa nila sa iyo.

Kinausap ako ni Kuya Lio kanina pero hindi niya tinuloy, nakalimutan niya na raw sasabihin niya. Mas madalas na siyang nagluluto ng masarap na ulam at nakikipag-usap sa akin. So, kailangan ko pang mapahamak bago matrato nang maayos? ABA. Joke. Gets ko naman si kuya. At least close na kami.

Nakakapag-adjust na ako sa bagong school, baka nga dito na rin ako magkolehiyo dahil doon rin nagtapos si Kuya Yves. May Media Arts daw roon. Hindi ko pa rin nga alam ang kukunin ko. Mag-ffourth year pa lang naman ako next school year at saka parang... hindi ko kayang mag-Media Arts. Lahat ng naaalala ko, ikaw, Karmi. Mas naligaw ata ako noong nakilala kita... o noong iniwan kita.

Kahit saan ako magpunta, may poster ng mukha mo. Lahat ng produktong bibilhin ko, ineendorse mo. Lahat ng kantang nilalabas mo, naririnig ko. Wala na akong naging sariling mundo dahil sa iyo.

entangled stringsWhere stories live. Discover now