13

241 38 3
                                    

13

May 4

11 PM

Dear diary,

Busy sa school, as usual. Nangamusta mga magulang ko tungkol sa school at itong si Kuya Lio nakikisawsaw at sinisingit si Karmi sa usapan. Pati tuloy si Kuya Yves naumay na kaya nag-asaran na lang kami sa hapag, pero itong si Kuya Yves biglang lumiko ng team! Inasar ako baka pati ako raw madamay sa kabaliwan ni Kuya Lio kay Karmi. Hoy! Textmate lang kami.

Oh.

Joke lang. Nagreply lang siya kinabukasan sa text ko tapos wala na. Bakit ba ako mag-eexpect na magtetext pa siya? About school lang naman ang purpose ni Karmi. HAHAHAHA nga lang reply niya sa akin, eh. S’yempre artista, parang bula na rin siya sa school. Kakaupdate ko lang sa kanya about sa Media Org. Libre niya raw ako sa lunes. Aba. Makakatipid ata ako ng baon!

entangled stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon