Karmi's letters #88 of 365

389 42 28
                                        


Karmi's Letters #88 of 365

Dear Lia,

Hello, Lia! Last letter ko na ata ito. Sorry, ha. Jinumble ko iyong numbers nitong letters, hindi talaga siya in order. Medyo may meaning din naman sila kung mag-iisip ka. Hehe!

Healing is linear. Ilang taon na ang nagdaan pero minsan pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mahirap pero ngayong ligtas na ako, alam kong magiging okay rin ako. Kakayanin ko.

Tinuloy ko ang pag-aaral ko. Kakagraduate ko lang noong nakaraang taon. Tuwang tuwa at proud na proud si Ate Karmina sa akin. May iilan akong nakilalang kaibigan, Lia. Siguro matutuwa ka kapag nalaman mo, pero siyempre iba pa rin iyong friendship natin. Grabe iyong koneksyon natin, e. Namimiss tuloy kita lalo. Hay. Hindi kita mahanap sa social media. Siguro dinelete mo rin accounts mo noong dinelete ko akin. Assuming? Well.

I did charity works while searching for a job until I stumbled upon this funding company that helps a lot of indie filmmakers to produce their own work. Grinab ko agad ang opportunity na mag-apply at hindi ako nagsising magtrabaho sa kanila. They're also helping people in needs especially women and people in LGBTQ+ community that has been struggling in life. Noong malaman ni Ate Karmina iyong sa kompanya, tumulong din siya at nag-apply as one of their sponsors. Ate Karmina helped to expand the company and built a branch in the Philippines. Ayon, kaka-anniversary lang last week at ininvite kami for the film festival.

Noong una natatakot akong bumalik sa Pinas, pero ikaw na lang ang inisip ko. Malay mo magkita tayo, 'di ba?

Kakaibang ginhawa at tuwa iyong lumabas kami ng Airport na walang press na sumalubong sa amin. May tumitingin pero ramdam ko iyong pagkawala nilang pake sa presensya ko, kung sino ako, at kung saan ako nanggaling. Binalikan ko lahat ng lugar na madalas nating puntahan, Lia. Kahit never mo akong sinulatan pabalik, mahal pa rin kita. Hindi ko alam. May mga nanliligaw naman sa akin pero ayoko namang sumugal ng walang kasiguraduhan, 'di ba? Hay. Ang laki ng pinakaiba ng Park, Lia! Pumupunta ka rin kaya dito? Sana naman naaalala mo pa ako. Buti nandoon pa rin iyong fried noodles at ice cream stalls. Ang nostalgic. Sana nandito ka, nagkekwentuhan na sana tayo ngayon.

Noong araw ng Film Festival, ibang tuwa iyong naramdaman ko na marami kaming natutulungan sa paggawa ng sarili nilang pelikula, karamihan ay mga kababaihan pa. Kahit sa ganitong gesture lang, nabibigyan namin sila ng pagkakataon mangarap. Parang ikaw, binigyan mo ako ng lakas ng loob noong ubos na ubos na ako.

Habang naglilibot ako sa venue dahil hindi ko alam kung anong pelikula ang unang papanoorin, nakita kitang nakatayo at nakikipag-usap sa ibang tao. You suddenly laughed and I was taken aback. Ang ganda mo. Naalala ko lagi mong sinasabi sa akin na hindi ka naman kagandahan. Hilig mo magbiro, 'no? Natural lang naman magkaroon ng pimples at dumagdag ang timbang. Lagi ka namang maganda sa paningin ko.

I was just standing there... enjoying watching how focused and approachable you were while talking to other people.

Then you caught my eyes staring at you. Naghurimentado ang puso ko habang magkatitigan tayo. Mukhang minumukhaan mo ako noong una dahil bahagyang nakunot ang noo mo, pero nang kumurap ka'y sinabayan mo ito ng ngiti. I couldn't help but smiled back. I could feel the butterflies inside my stomach, giving me an intoxicating feeling.

Syempre hindi ko na rin palalagpasin ang tiyansang 'to. Bibili agad ako ng singsing bukas. It's now or never, Lia!

Always been yours,
Karmi.

entangled stringsWhere stories live. Discover now