sc, i. through the lens of someone who loves eternally

232 22 22
                                    

through the lens of someone who loves eternally

a special chapter

♡━━━━━━━━━━━━━━━♡

Isa sa mga memoryang hinding hindi mabubura sa isipan ko ay ang mga alaala ko noong highschool, noong nakilala ko si Karmi, noong akala ko'y alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay, noong naligaw at nagkahiwalay kami ni Karmi, ang mga taon na wala siya habang hinahanap ko ang aking lugar dito sa mundo... hanggang sa bumalik siya't bumuo kami ng sarili naming mundo.

Akala ko noon, pagbalik niya ayos na ang lahat. Mahigpit naming hinawakan ang kamay ng isa't isa ng tatlong taon, araw-araw na pinipiling gumising at tapusin ang bawat gabi nang magkatabi, kahit minsan ang isa sa 'min ay nawawalan ng kasiguraduhan sa sarili.

Tatlong taon naming suot ang engagement rings at pinapaalalahan ang isa't isa na, ah, ilang beses man kaming maligaw, nakabukas palagi ang pinto para bigyan ng tahan ang isa't isa... hanggang sa napagdesisyonan na naming bumuo ng iisahang tahanang uuwian at tatakbuhan habambuhay.

Malinaw sa 'king memorya kung paano mataranta si Karmi sa bawat detalyeng gusto naming maisali sa kasal. Iyong araw-araw na tawag sa telepono ng aking pamilya para siguraduhing okay lang kaming dalawa.

Pinili namin ang garden wedding. Karmi & I love being surrounded by nature. No wonder we bought a house near a gorgeous lake outside the city.

Malinaw sa 'kin ang ngiti at bawat hagikgik ni Karmi tuwing pinag-uusapan namin ang kasal, at ang mga planong gusto namin tuparin pagkatapos no'n.

I never imagined something so peaceful as living a life and growing old with Karmi.

S'yempre, may mga pagkakataong hindi nasusunod ang gusto naming dalawa. Hindi naituloy ang gustong wedding cake ni Karmi at napagdesisyonan naming humanap na lang ng ibang gagawa. We ended up walking around the city for three straight days one week before the wedding day. We eventually found a small pastry house owned by married lesbians.

I could clearly recall how both corners of Karmi's lips lifted up for a smile with her eyes glistening in joy at that moment. Naglaho ang dismaya at pag-aalalang nakaguhit sa buong mukha niya habang kausap namin ang mag-asawa.

She still chose her original design for our wedding cake. Masaya naman ang mag-asawang nakinig at siniguradong masusunod ang gusto ni Karmi. I love watching her having fun and being so passionate about our wedding.

It was white one layered cake with edible purple flowers around the icing and rainbow filled inside. Ate Karmina teased us about how silly-looking the cake was, but we all loved it. Ever since that day, Karmi and I visit the pastry house and buy other pastries they make during the weekends. Minsan pinapasalubong namin sa parents ko at ang iba'y pinagsasaluhan naming dalawa tuwing merienda.

I clearly remember how we spent a whole day choosing our bridal gowns. Iyong pagbuntong hininga at pagnguso niya sa 'kin sa bawat sukat niya sa gown. Halos lahat natipuhan niya ang design pero hindi naman niya p'wedeng piliin lahat. Dahil do'n, nagpakuha na lang si Karmi ng litrato sa bawat wedding gown na sinukat at nagustuhan niya. I can clearly remember how she grinned at me as she answered my question, kung para saan ang mga litrato.

"Para sa susunod na kasal natin, Lia!"

The night before the wedding day, Karmi insisted on watching a movie until we fell asleep. Karmi avoided watching movies for years. Lahat ng bagay na p'wedeng makaalala sa nakaraan niya ay iniiwasan niya.

entangled stringsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن