a letter from mei to you

119 19 3
                                    

Hello! Thank you for giving your time to read this first and last note I wrote for Entangled Strings. I’m honestly running out of words, pero parang gano’n lang din naman ako most of the time kaya I’ll try my best.

Entangled Strings is not the first story I’ve finished here on this app, but it’s my first love, my first baby where I’m already at the point of accepting my sexuality and my love for women. First lesbian story ko siya and I’m glad natapos ko at nagustuhan ko rin kung paano ko siya nasulat. Intensyon ko talagang mag-umpisa sa highschool setting and I don’t blame some people who overlook this story kasi nga usually wlw stories here are heavy or *ehem* ends with someone dying or choosing someone else. I want something light (na s’yempre may drama lol) and something that will make you giggle and appreciate how the characters change and grow on their own or with each other. And I always want my writing to be like that (I’m trying).

Ito rin ang nag-iisang storya na sinulat ko at tinapos ko in less than a week. Old draft pa ‘to sa totoo lang tapos ibang iba siya sa original plot pero mas nagustuhan ko ang kinalabasan nitong final draft. May ilang pagkukulang at kailangan pang pagnilayan sa sinulat ko, pero kontento pa ako sa naisulat ko ngayon. Ipapaalam ko rin naman kung babalikan ako agad hahahaha.

Yvette Lianne and Karmi meant so much to me. I can emotionally relate to them in some personal way and they will always have a special place in my heart. Kaya ang tagal ko ring natapos ‘yong special chapter, nahirapan din akong tuluyan na mag-let go sa kanila (watch me write more about them next few weeks or months lol).

I know people like them exist in real life lalo na iyong mga pinagdaanan nilang dalawa. Proud na proud ako sa inyo. Sa mga hindi pa nalalampasan ang mga ‘to, alam kong darating din kayo d’yan. Mahirap pero hanggat kaya, malaking bagay na ‘yon. Ang magising at matapos mo lang ang isang araw e malaking bagay na para sa ‘kin. Kahit gaano kaliit o laki ang ginagawa mo sa araw-araw, malaking bagay na ‘yon.

It takes a lot of courage to live, and I’m beyond proud of you for keep on trying. You’re always doing well.

Few months after I finished Entangled Strings, may mga nagmemessage sa ‘kin kung gaano nila kamahal si Karmi at Lia. Never sigurong magsisink-in sa utak ko na gano’n pala ang pwede kong maparamdam sa iba. I will always be grateful to any of you who appreciate my work, kahit na silent reader or mahilig ka lang mag-iwan ng vote. Hindi ko alam kung hanggang saan kayo mananatili sa writing journey ko pero I’ll always thank you for even just taking a tiny interest on me. Thank you, thank you, thank you.

I hope in some ways I’ll somehow bring comfort in every characters I wrote and I will write in the future to you.

Thank you for existing. Thank you for being here.

— Mei.

entangled stringsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz