07
April 16
8 AM
Dear diary,
Ritwal na naming bumisita sa simbahan tuwing linggo. Mahilig kasing mag-offer si mama ng pagkain at prutas para sa mga taga-simbahan. Kumain kami sa Jollibee pagkatapos. Si Kuya Lio tutok na tutok sa phone. Si Kuya Yves busy makipag-usap kay papa tungkol sa furniture house. Inistorbo pa ni Kuya Lio, gusto parating updated sa Karmi niya pati kami dinadamay niya. May TV interview raw si Karmi kaya umuwi agad kami sa bahay. Grabe. Hindi ko alam kung maiinggit ba ako sa artistang ito o matatawa kasi grabe ang epekto sa kanya ng kuya ko. Hay.
12 PM
Kakatapos lang ng interview no’ng Karmi sa TV.
Ewan.
Maganda siya.
Sobrang ganda.
• • •
Sa hindi malamang kadahilanan, nakatutok ang mga mata ni Lianne sa babaeng nasa TV screen. May sinasabi ito sa mikropono tungkol sa album niya. Inililibot ni Lianne ang mga mata niya sa bawat detalye ng dalaga. May kakaibang karisma itong hindi maintindihan ni Lianne.
Hindi niya na ito inisip at napairap.
“Hoy.” Lianne snapped out of her reverie and turned to her sister, Yvonne. “Kung ice cream lang ang TV natin, kanina pa ‘yan natunaw sa tingin mo. Ano, inlab ka na rin ba?”
Napangiwi ang dalaga sa kuya niya at siniko ito. “Pinagsasabi mo? Ayokong sumali sa kulto niyo!” asar na singhal nito at tumayo. Tatawa-tawa naman ang kuya nito sa naging reaksiyon.
Bago pa siya pikunin nito ay lumakad na siya papunta sa kanyang kwarto. Ramdam na ramdam niya kung gaano kainit ang magkabilang pisngi niya. Napakunot noo ito at napabuntong hininga sa hindi maintindihang nararamdaman.
Artista lang ‘yan, Lianne. Lahat ng artista maganda!
Sumalampak ito sa kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na humarang sa paningin niya. Tinapik niya ang sariling pisngi at napa-ungol sa pikon.
Grabe naman ang epekto sa kanya ng estrangherong artista na iyon?
“Karmi Constencia. Tunog sumpa,” bulong nito sa sarili at isinara ang mga mata para umidlip.
• • •

YOU ARE READING
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922 currently under revision (offline)