40
Dear Karmi,
This is gonna be my last letter for you. Maraming taon na ang lumipas, I finally got out of college. I'm currently working in a film production company in Manila. Sobrang daming nangyari, sobrang dami kong natutunan. I met different people. They brought changes and lessons in my life, and I am still learning. Meeting you probably messed up few months of my life in highschool, but it was one of the reasons why I became who I am today.
Sa maikling panahon na naging magkaibigan tayo, napagtanto ko kung gaano kaimportante ang pagkakaroon ng kaibigan at ang pagpili sa sarili dahil kahit ano'ng mangyari, ikaw at ikaw lang din ang sasalo sa sarili mo kapag nahulog ka. That's what you did, too. Proud na proud ako sa iyong nalagpasan mo lahat ng pagsubok mo sa buhay. Grabe lang ang tuwa ko nang marinig ang balitang kinulong ang magulang mo. They deserve to rot in hell for what they did to you and to the other victims. I hope that would finally give you peace and reassurance. You deserve a better life and a better family.
Lagi kong naaalala kung paano kita nakilala. Hindi pa maganda ang timpla ko sa iyo noon. Hangang hanga si Kuya Lio sa iyo at sa mga kanta mo. Noong una ayaw ko pang aminin na may boses ka talaga, pero tuwing inaalala ko iyong mga panahon na iyon, aaminin kong may paghanga na rin ako sa iyo. Kulang kasi ako sa atensyon kaya medyo nabitter ako sa iyo. Pero noong nakita kita sa personal, wala na. Alam mo na. Ewan. Hindi ko sure! Simula rin no'n pakiramdam ko lagi tayong pinaglalapit ng tadhana, o mahilig lang tayo dumikit sa isa't isa. Kahit noong kailangan ko na lumayo, parang may taling nagkokonekta sa ating dalawa.
Kahit ilang taon na ang lumipas, nararamdaman ko pa rin iyong koneksyon na iyon. Sa bawat litrato at sulat na iniwan mo sa akin, ramdam ko pa rin lahat ng lungkot, ligaya, at presensya mo. Malinaw pa rin sa memorya ko kung paano ka bumungisngis, iyong bahagyang pagkunot ng ilong mo at pagningkit ng mga mata mo. Iyong pagiging madaldal mo na kahit ano'ng pag-usapan natin, game na game ka.
— Teka lang. Alam mo... Ewan ko ba bakit pa rin ako nag-eeffort magsulat dito e natutulog ka lang naman sa tabi ko. Wala rin naman akong balak na ipabasa sa iyo ito. Kahit ano'ng pilit mo pa, kahit ilang beses mo na sa 'kin sinubukang agawin 'tong diary na 'to wala kang magagawa. Swerte lang akong hindi mo ako natiis at pinadala mo lahat ng sulat mo para sa akin. Hehe.
Pero kasi, gusto ko na isarado ang diary na ito. At ito na nga. Siguro kung hindi pa tayo nagkita last year sa isang film festival baka hindi pa ito ang maging huli. Hindi ko alam. I just feel so safe writing these words out to you. You will always be my best friend.
We just celebrated your birthday yesterday at my family's place. Simula noong pormal kitang pinakilala sa magulang at mga kuya ko, parang tinuring ka na rin nilang parte ng pamilya.
Tayo... may singsing na agad. Kinabukasan noong araw na magkita tayo, niregaluhan mo ako ng singsing. Sabi mo lifetime gift mo na ito para sa ating dalawa. Hindi ko maintindihan iyong gusto mong sabihin pero sige! Hindi naman ako choosy! Biro lang. Buti na lang talaga hindi mo 'to mababasa. Haha.
Sige na. Ikaw na bahala sa kasunod nitong singsing. I love you. I can't wait to take more pictures of you, eat more ice cream and fried noodles at the park with you, read more books inside the Unibooks with you, and stay with you in every good or bad part of our lives. It was nice meeting you in the past. Now... it would be nicer to keep you in the present and future... until forever.
Sincerely and will always be yours,
Yvette Lianne Miranda.

YOU ARE READING
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922