14

284 46 6
                                        

14

May 7

11 PM

Dear diary,

May reporting kami sa Filipino kanina at hindi nakapagpresinta si Karmi. Hinila ba naman ako palabas ng school during breaktime tapos umiyak sa gate? Grabe ang titig sa akin ng mga taga-school kulang na lang samahan ko siya umiyak. May kumuha pa ng litrato sa ‘min. NAKO. Nag-init ulo ko at sinugod ko! Taga ibang department pala. Pinadelete ko iyong picture pero hindi sumunod. Popost niya daw. Bwisit!

Umiyak lalo si Karmi kaya tumakbo na lang kami palayo sa school. Nilibre niya ako ng turon saka bilo-bilo. Gusto niya i-try kasi puro pasta na raw kinakain niya sa bahay nila at during taping. Ang pugto ng mga mata niya habang kumakain. First time niya raw mapagalitan in public. Lagi niya raw kasing ginagawa ang best niya pagdating sa academics. Hindi lang daw siya nakapagready sa presentation dahil babad siya sa taping at recording. Ayaw rin daw siya kausapin ng mga kagrupo niya kung ano’ng gagawin dahil tinakasan niya daw last week no’ng sinusubukan makipagclose sa kanya. Sinabi ko na lang tuloy na ako na ang bahala in case may reporting or kahit anong activity kapag wala siya. Tuwang tuwa ang artista kulang na lang yakapin ako. Panay ang thank you sa pagsama ko sa kanya kumain. Hindi niya alam ang daming kumukuha sa ‘min ng litrato.

Tama ba ‘tong ginagawa ko? Hay.

entangled stringsWhere stories live. Discover now