12

263 44 11
                                    

12

May 1

5 PM

Dear diary,

Kakauwi ko lang galing sa school. Hindi ko pa rin pinapaalam kay Kuya Lio tungkol sa pictures ni Karmi. Nakakakonsensya ako pero sa tingin ko patuloy pa rin namang mabubuhay ang kapatid ko kahit hindi niya malaman. Kahit saan puro mukha ni Karmi!

Ang boring ng second day namin. Halos pabalik-balik ako sa canteen dahil puro meeting ang mga teacher. Ewan ko ba. Edi sana pinamove na lang start ng school year namin kung mabubusy lang din naman sila sa puro meeting! May development ba? WALA. Ang ingay rin sa classroom dahil itong mga classmate ko gustong gusto kaibiganin si Karmi pero tinatakasan naman sila nito tuwing breaktime. Ang weird pala maging artista, ano? Walang personal space.

Before last period bigla akong nilapitan no’ng Karmi tapos… hiningi iyong number ko? Update ko raw siya in case na hindi raw siya maka-attend? Gusto ko man itanong kung bakit ako pa ang napili niyang istorbohin, hinayaan ko na lang. Kesa naman sa mga weirdong lalaking ka-org namin siya magtiwala. After class, inaya niya ako sa loob ng van niya??! Tumakbo agad ako palayo sorry nagulat kasi ako. HUHU.

10 PM

Tinext ko na lang si Karmi at nagsorry sa naging reaks’yon ko. Hindi nagreply. Parang masusuka ako sa bilis ng mga pangyayari rito. Ang dami ko agad atraso kay Kuya Lio. Deserved! Hindi ko nagustuhan ulam namin kanina tapos todo dakdak pa sa akin habang naghuhugas ako ng pinggan. Give or take lang po.

entangled stringsWhere stories live. Discover now