34

216 35 3
                                    

34

December 15

11 PM

Dear Karmi,

Lumipat kami ng bahay, Karmi. Sa Prieto na kami sa tabi ng furniture house namin. Mas makakasama na namin si Kuya Yves kahit abala siya sa pagtatrabaho. Nakakatuwa pero... hindi ko alam. Naiyak ako kanina sa bago kong kwarto, sa tuwa kasi gusto ko talagang maalis ka sa isip ko kahit sa isang lugar lang. Sorry, ha. Buti hanggang dito lang itong mga salitang ito at never na makakarating sa iyo. Ewan ko ba. Kahit ilang buwan na ang nakalipas, masakit pa rin. Mas masakit ata ang friendship na walang formal breakup at closure.

Nasa kahon pa rin ang iba kong gamit, hindi ko alam kung ilalabas ko pa rin iyong mga gamit kong magpapaalala sa akin tungkol sa iyo. Lalo na iyong camera ko. Naalala ko nga noong last day ng Foundation Day, iyong mga kaklase ko gusto akong gawing photographer pero tumanggi ako. Ikaw at ikaw lang ang sumasagi sa isip ko. Noong sinubukan kong itapat ang lens ng camera sa isang mata ko, ikaw ang nakita ko. Nababaliw na ata ako. Halos dalawang buwan lang tayong naging magkaibigan pero... parang mas mahaba pa roon ang naging epekto mo sa ‘kin.

Hay, Karmi. Sana okay ka lang.

entangled stringsWhere stories live. Discover now