04

529 63 12
                                        

ENTRY #4

April 13

11 AM

Deary diary,

NAGISING ako sa malakas na soundtrip ni Kuya Lio mula sa kwarto niya hanggang sa sala. Parang sirang plaka na ang boses no’ng Karmi sa pandinig ko. Puro Karmi, Karmi, Karmi! na ang naririnig ko rito sa bahay. No’ng subukan kong pahinaan ang speaker dahil gusto kong mag-aral, sinugod naman agad ako ni Kuya Lio para sawayin. Sa inis ko, malakas kong sinara ang pinto ng kwarto ko. Kung puwede lang magsumbong kay Kuya Yves!

Hmp. Lalabas muna ako at magbibisikleta. Birthday rin ng kapitbahay namin baka may pa-take home na pagkain. Pambawi sa inis ko sa kuya ko buong araw.

6 PM

Mapayapa ang buhay kapag walang naririnig na ingay! Si Papa Leo na ang nagreklamo sa ingay ni Kuya Lio at nagpatay ng speakers sa sala. Pero may epekto ba? Nilabas agad ni Kuya Lio ang selepono niya at nagsuot ng earphones. Hindi na rin siya mautusan no’ng kinagabihan at si Kuya Yves na ang nagluto ng hapunan kahit pagod pa mula sa trabaho. Ewan ko ba. Normal ba ito?

Next week na magpapaskil ng sections sa school. Sana naman wala iyong artista sa klase ko. Nako. Ewan ko na lang talaga.

12 AM

Pati sa social media sikat si Karmi. Mukha niya palagi ang bungad tuwing nagbubukas ako ng app. Halos lahat ng finafollow ko naging fan niya. Para siyang epidemyang kumakalat. Gusto ko naman makakita ng bago. Pati mga internet friends ko siya ang pinag-uusapan. Nagpapalitan pa ng spotify links ng kanta niya. Umay na umay na ako. Wala na bang bago?

Gusto ko na tuloy pumasok sa school. Ewan. Baka siya lang din ang pag-usapan sa room. Hindi ako makakarelate. Baka hindi pa ako magkaroon ng kaibigan dahil sa kanya.

entangled stringsWhere stories live. Discover now