28

231 38 6
                                    

28

May 27

10 PM

Dear diary,

Hindi ko maiwasan si Karmi. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang canteen, bigla siyang sumulpot at tinanong ako kung pwede raw ba niya akong sabayan. Nakatingin pati ibang estudyante sa ‘min kaya ayon hindi na ako nakatanggi. Sa hiding spot kami kumain at napuna niya na wala akong imik. Parang sirang plaka kasi sa utak ko mga pinagsasabi ni Kuya Lio kagabi. Tinanong pa ni Karmi kung galit daw ba ako sa kanya dahil hindi ako nagrereply sa mga text niya. Hindi ako sumagot. Pero ayon, naramdaman niya pa rin na may hindi ako sinasabi. Biglang nagrequest na kuhaan ko raw siya ng picture. Hindi ko dala iyong camera ko kaya sa phone ko siya napicturan. Paanorin ko raw movie niya. Tumango lang ako. Hindi ko alam, e. Ang hirap pala nito. Hay.

After school, hinintay ako ni Karmi at kinausap sa meeting room. Huwag ko raw siya iwasan kahit saglit lang. Saglit lang as in... isang buwan. Hindi ko alam kung ano’ng sinasabi niya tapos niyakap niya ako.

Hindi lang kuryente ang naramdaman ko kanina, pati pagtibok ng puso ko nag-iba noong maramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin. Ewan.

entangled stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon