30

211 37 7
                                    

30

June 1

7 PM

Dear diary,

Things have gotten worse since we last spoke. Last day na ng exams pero parang mas nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon kesa sa mga tanong sa pagsusulit kanina. Usap usapan si Karmi sa school dahil nagdrop siya dahil sa trabaho niya. Iyong mga classmate namin ako naman ang sinisising dahilan. Napaka-gold digger ko raw kasi. Attention seeker. May nagtapon pa ng basura sa akin galing sa ibang department. Hindi na raw kasi nila makikita si Karmi dahil sa akin. S’yempre nagalit ang pamilya ko sa nangyari, sinabihan akong lumiban muna sa school. Galit na galit si Kuya Lio. Si Kuya Yves naman, sinamahan lang ako rito sa kwarto hanggang sa nagpanggap ako tulog.

11 PM

Pinost ni Karmi ang picture naming dalawa sa Instagram na may caption na, “I miss you.” Wala na. Sira na ako.

Parang iyong memories namin naging bangungot sa buhay ko.

entangled stringsWhere stories live. Discover now