16

232 41 1
                                    

16

May 15

11 PM

Dear diary,

Hindi ko na gaanong naririnig si Karmi sa bahay, pero lagi ko namang nakikita ang mukha niya sa school. Lalo na at nakakasanayan niyang hilahin ako palabas ng school para kumain tuwing breaktime. Araw-araw na rin akong nasa social media dahil sa kanya. Best friend daw ba ako ni Karmi? Alalay raw ba ako? Papansin daw ba ako? Nasabihan pa akong panget. Sorry naman! Tinutubuaan ako ng tigyawat dahil sa regla ko at natural lang ‘yon! Itong mga taong ito hilig manlait pero matapang lang naman sa social media. Medyo nabadtrip ako. Panay naman ang sorry ni Karmi sa text. Hay.

Nakabawi si Karmi sa filipino no’ng nagkaroon ulit kami ng reporting. Imbis na groupings, sinuhestiyon kong magsolo na lang siya tutal papayagan naman siya ng teacher namin. Ayon nakabawi. Galit tuloy classmates namin sa akin na dati niya kagrupo. Hindi ko gets. Dahil ba artista siya? O dahil hindi sila binigyan ng atensyon ng tao kaya gumaganti sila sa grade niya? Nako. Mukhang matalino naman si Karmi. Medyo mahina nga lang sa tagalog. Ilang araw kaming nag-aral magkasama sa meeting room tungkol sa irereport niya. Buti na lang walang nakahuli sa amin kasi chismis na naman. May guwardya siya kaso sa gate niya lang pinaghihintay.

Gusto ko man kaibiganin itong si Karmi, mukhang hindi siya magiging maganda para sa privacy ko. Taray feeling artista na rin?

Sige, tulog na ako.

entangled stringsWhere stories live. Discover now