33

203 35 1
                                    

33

November 27

12 AM

Dear Karmi,

Pangatlong araw na ng Foundation Day sa school. Naging star guest ka sa concert kinagabihan. Sa pinaka likod ako nanood at kinakanta mo ang isa sa mga kanta mo sa bago mong album. Ang ganda mo pa rin, pero bakas sa kilos at mukha mong pagod ka na. Rinig na rinig ko ang usapan ng ibang estudyante kanina. Pinaghihinalaan nila ang edad mo. Naalala kong ni hindi ko man lang natanong ang birthday mo. Isang kanta lang ang kinanta mo at umalis ka agad sa event.

May ilang nakakakilala pa rin sa akin dahil sa mga picture nating dalawa noon na kumalat sa internet. May ilang tweets akong nakita tungkol sa atin; kung nag-uusap pa rin daw ba tayo o hindi na; at kung ano raw ba talaga ang nangyari.

Nagpost ka sa Instagram pagkaalis mo, picture ng crowd sa school ang litrato at may caption na, “I hope you heard me even when you’re far away.” Isang line daw sa mga kanta mo. Ewan. Sana hindi mo ako nakita. Assuming?

entangled stringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora