39
April 30
11 PM
Dear Karmi,
This was the same day when we first met. Malinaw pa ang memorya ko na nakaiwan ka ng gamit at inip na inip akong hinintay kang bumalik sa school para kunin ito. Doon kita unang nakita ng malapitan. Iyong kulay kahel mong mga mata na mas nagsasalita kesa sa labi mong kay pula’t papuso ang hugis. Iyong maganda at hindi katangusang ilong. Iyong mga nunal mo sa mukha. Iyong paghingi mo ng paumanhin sa paghihintay ko sa iyo. Ang cute mo. Noong una, in-denial pa akong aminin na maganda ka. Parang kulang na lang masuka ako, e. Nako. Iba na pala.
Malapit na ko grumaduate, Karmi. Ilang beses kong sinubukan bumalik at magsulat dito, pero parang mas gusto kong i-kwento na lang ang lahat kapag nagkita ulit tayo. Wala na akong narinig na balita simula noong magsara ang kompanya ng pamilya mo. Lumipad ka papuntang States kasama ang Ate Karmina mo. Lahat ng social media accounts mo dineactivate mo na. I feel nothing but relief and happiness knowing you’re doing okay now, Karmi.
Si Kuya Lio busy na rin magtrabaho tulad ni Kuya Yves pero lagi siyang gumagawa ng paraan para magka-family time kami sa bahay. Masayang masaya ako at ang swerte-swerte kong napunta ako sa maayos na pamilya. I wish the same for you especially you’re with your sister now. Sigurado akong masaya ka.
Every 30th of April pumupunta ako sa Park at nanunuod ng sunset, kumakain ng ice cream at fried noodles gaya noong ginagawa natin noon. I still listen to the last song we were listening to together. I still keep on thinking about the list of wishes you wanted us to do together.
Hindi ko inexpect na iyong unang friendship ko at unang paghanga ko sa iyo, malaki ang magiging impact nito sa buhay ko. Habang tumatagal, mas narerealize kong masaya akong nakilala kita. Kahit muntik na akong magkanda ligaw-ligaw dahil sa iyo, naging dahilan din ito para mas makilala ko ang sarili ko. Alam kong hindi lang dito ito nagtatapos dito.
Learning oneself is an endless cycle. It is probably one of the most beautiful, frustating, and exhausting thing you’ll ever experience. One day you were just born, next the day you have to figure your own shit out. You have to think about your future— and the things you want to accomplish until you get old. Some aren’t going to happen— but some are definitely will leave something remarkable into your life. It applies in relationships, too.
I would be the happiest to learn and get to know you better if we ever meet again— and I would do it over and over again.
BINABASA MO ANG
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922