24

265 39 10
                                        

24

April 1

12 AM

Dear diary,

Kakagaling ko lang sa labas ng bahay. May kinuha sa basurahan. Ewan. Nakita ko kasing may tinapon si Kuya Lio. Mga album at merchandise ni Karmi kaya ayon kinuha ko. Sayang naman. Mukhang pati kay Karmi may poot na siyang nararamdaman. Nako. Baka kapag lumala ito hindi na rin ako payagan ni Kuya Lio lumabas kasama si Karmi, lalo na ngayong may upcoming movie siya. Iyon ang iniiyakan niya sa text nitong mga lumipas na araw. Panay na kasi ang absent. Mas gusto niya raw grumaduate kesa umarte, pero ang parents niya nagdedesisyon sa buhay niya lalo na’t iniwan sila ng ate niya. Napunta lahat sa kanya ang expectations at pressure ng parents niya sa ate niya noon. 

Naaawa nga ako sa kalagayan niya noong kinuwento niya habang gumagawa kami ng laboratory activity sa school, na pati pagkain at susuotin niya kontrolado ng parents niya. Kapag sa interviews may script siya. Kailangan lagi siyang naka-makeup at nakangiti. At... nagsinungaling sila tungkol sa edad ni Karmi. Labing anim na taong gulang lang siya pero sa showbiz kilala siya as twenty year old. Medyo naiyak pa nga siya kasi hindi na raw niya kilala ang sarili niya. Wala raw siyang personality. Wala raw siyang passion sa kahit anong bagay. Kinukulong siya ng parents niya sa mundong hindi naman niya dapat kinakalagyan.

Kanina bago magdismissal sa school, inaya ko siya kumain ng paborito kong pagkain pero tumanggi siya dahil minamatahan siya ng bago niyang guwardya. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari pero sana okay lang siya.

entangled stringsWhere stories live. Discover now