Karmi's Letters #222 of 365
TW // Abuse, Addiction, Suicidal Ideation, Sexual Harassment
Dear Lia,
"Is it true that your parents are sexually exploiting you?"
Nastuck sa utak ko ang tanong na iyan galing sa isang interview, but it all made sense to me when I remembered doing that film when I was sixteen. Binasa ko lahat ng articles tungkol sa akin at sa pamilya ko. Ang entertainment company pala ng magulang ko ay dating film production company ng bomba films. Wala akong ideya roon at ginamit ng magulang ko ang pagiging ignorante ko sa pagtulak sa akin sa maduming industriya na ito.
Simula noong araw na iyon, pakiramdam ko naliligaw ako ng landas. Wala akong personalidad. Parang nagsusuot lang ako ng iba't ibang klase ng maskara araw-araw. I was not coping well, too. Noong una nadadaan ko pa sa pagbabasa ng libro pero habang tumatagal, mas nagsisink-in sa utak ko iyong mga bagay na hindi ko napansin... na hindi dapat nangyari. Iyong bawat ngisi ng mga nakakatrabaho ko. Iyong mga tingin nila sa bawat kilos ko sa camera. Iyong bawat hawak na akala ko'y maliit na compliment lang dahil ginawa ko ang best ko sa trabaho. I suddenly felt so numb thinking about how my parents made me do all of these... and made me experience all of that.
Naalala mo noong pinipilit mo akong kumanta sa harap mo at tinanggihan ko? Hindi iyon dahil sa ayaw ko lang. I loathe singing. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng talent sa pagkanta. Minsan hiniling kong sana mawalan ako ng boses... pero naalala kong matagal na pala akong wala no'n.
I was in the darkest moment of my life. Lalo na noong kinuwento sa akin ng makeup artist ko kung ano'ng nangyari sa 'yo nang mag-drop ako sa school. I felt so guilty and angry for not being able to protect you. Araw-araw akong tulala at wala sa sarili kapag nasa trabaho. Iyong mga sinusuot ko biglang naging nakakasakal sa pakiramdam. Iyong pag-ikli ng pasensya ko sa bawat tingin at sigaw na natatanggap ko sa magulang ko.
Then I got addicted to coffee. Nakakailang cups ako ng kape sa isang araw para lang magising ang diwa ko at makafocus sa trabaho. Gumana naman siya... hanggang sa dinala ako sa hospital. My parents didn't even let me rest for a week. I was discharged after that day. Hindi ko raw pwedeng mamiss ang recording session ko. Paano pa ako makakalaban kung hinang hina na ako? Tapos may tinurok sila sa akin. Hindi ko alam kung ano pero it kept me working. Minsan pakiramdam ko nga lumulutang ako. Okay lang siya noong ilang beses pero bigla akong naghahallucinate. Mas napaikli nito ang pasensya ko. Mas nawalan ako ng gana kumain. Walang wala na ako sa sarili, Lia.
Hanggang sa nagperform ako sa isang University sa La San Antonio. I almost puked during my performance. Hindi ko na maaninag iyong audience. I was supposed to sing two songs pero pinauwi agad ako ng parents ko dahil baka may iba pang mangyari. Takot na takot ako sa sarili ko noong gabi na iyon. Lahat ng gustong lumapit sa akin tinataboy ko. I was having a mental breakdown. I pleaded to my parents to give me a break, but they never listen. They just let me cry that night and acted like nothing happened the next day, throwing a script on my face. I was on verge of killing myself in front of them, but I didn't do because I still wanted to live.
Kung ikaw naparamdam mo sa akin kung gaano kasaya mabuhay, hindi ba dapat ganoon din ang iparamdam ko sa sarili ko? Pero ang hirap kasi. Araw-araw akong nilalabanan ni Kamatayan. Bigla na lang isang araw lahat ng makita kong gamit, pinag-iisipan ko ng kung ano-ano. Bawat daan at buildings na nilalakaran at pinupuntahan ko, gusto kong higaan at talunan. I was full of dread and hopelessness. The worst part? Walang may pakialam.
Isang araw nakiusap ako sa parents ko na magday-off. Pumayag naman sila at pinasama iyong guwardya ko. Lahat ng lugar na pinapasyalan natin pinuntahan ko. Hanggang sa makita rin kita sa Park, nakaupo sa bench kung saan tayo naupo habang nanunuod ng sunset. Hindi ko alam, sinunggaban ko agad iyong tiyansang makausap ka. Gulat na gulat ka nang makita ako. Ang cute-cute mo. Ni hindi ka nakapagsalita kaya sinabi ko na lang lahat ng gusto kong sabihin. Naiyak pa ako sa harap mo. Sinabayan mo akong kumain. Iyong gabi na 'yon pakiramdam ko bumalik ako sa normal. Nakaramdam ako ng iba't ibang emosyon bukod sa sama ng loob. Just feeling your presence beside me made me feel safe and comforted. It helped me to get courage to stop my parents from destroying my life.
I asked my parents the next day for another contract for the last time in one condition, they would let me quit. Ilang masasakit na salita at pananakit pa ata ang tinamo ko bago ko sila mapapayag. Then I tried to contact my elder sister via email. Lagi kong sinusubukan magpadala ng message sa kanya. Hindi ko alam kung ginagamit pa rin niya iyong email address dahil iyon pa ang naiwan niya sa akin years ago. Kinuhaan ko ang sarili ko ng litrato. Lahat ng dokumento pinadala ko sa ate ko. Wala akong natanggap na response, pero patuloy ko itong ginagawa. I was still hoping she would see it.
And she did... during my eighteenth birthday.
It was the happiest birthday I've ever had.
I saved myself, Lia.

YOU ARE READING
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922 currently under revision (offline)