29

207 36 6
                                    

29

May 28

11 PM

Dear diary,

Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Naghahalo na ang mga sinabi ni Kuya Lio at Karmi sa utak ko. Bakit nanghihingi ng isang buwan sa akin si Karmi? Bakit hindi ko siya matiis? Bakit hindi ko na lang siya iwasan? Bakit ko pa siya pagbibigyan? Nabubully ako kapag wala siya, paano pa kung hindi ko siya iwasan?

Absent si Karmi sa school kanina, pero pagkatapos ng klase nasa labas siya ng room at hinihintay akong lumabas. Nakadress siya, nakakulot iyong mahaba at maitim niya buhok, may kolorete sa mukha, at may dala siyang sling bag. Galing daw siya sa isang interview, gusto niya raw ako dalhin sa labas. Bago pa ako makatanggi, hinila niya na ako palabas ng school. Nakiusap siyang samahan ko siya buong araw. Eh ako naman itong si gaga, pumayag na. Nagsuot siya ng beanie pero hindi naman nakatulong iyon para hindi kami mapansin in public.

Dinala niya ako sa Mall at kumain kami sa Jollibee na never niyang kinainan. May polariod camera siyang dala at ginamit ito para kuhaan ako ng pictures. Lahat ng pwedeng picturan, pinipicturan niya. Dinala niya ako sa Park, naglakad-lakad kami doon, at kumain ng ice cream saka shawarma. Kinuwento niya iyong tungkol sa interview niya kanina. Nagtanong daw sila tungkol sa akin. At dahil may script siya, hindi niya pwedeng ibahin ang sasagutin niya. Sinabi niyang hindi raw kami magkakilala. Hindi ko alam. Nakaramdam ako ng kirot? Tapos hinawakan niya iyong kamay ko. Sabi niya, kahit ano’ng marinig ko, tandaan ko raw na importante ako sa kanya. Best friend. At hinding hindi niya ako malilimutan. Kaya siya nagdala ng polaroid camera para may maitago siyang memories naming dalawa.

Nanuod kami ng sunset kanina. Pinatong niya iyong ulo niya sa balikat ko. Halos kabisado ko na ang amoy niya. Sa bawat paghinga ko, palakas nang palakas ang hiyaw ng puso ko. Hindi ko na talaga alam. Paano ako napunta rito?

Pero alam ko, hindi na maganda ang mangyayari pagkatapos ng araw na ito.

Tinanong niya ako kung gusto ko kumain ng fried noodles at tumango ako. Noong umalis siya para bumili, umalis na rin ako. Halos magcollapse na ako sa bilis ng takbo ko. Naiyak na lang ako pagdating ko sa bahay, lahat ng tao sa bahay nagulat sa itsura ko.

Pero kahit saan naman ako magpunta naroon siya. May alaala siya sa bawat lugar na pwede kong takbuhan. Itong kwarto ko. Ang school. Ang Mall. Ang Park. Iyong carenderia na kinakainan namin.

Parang gusto ko na lang maglaho bigla.

entangled stringsWhere stories live. Discover now