25

220 40 2
                                    

25

May 15

11:30 PM

Dear diary,

Naging busy ako sa school at sa events nitong mga nakaraang linggo. May upcoming exams pa kami in two weeks kaya subsob ako sa pagrereview. Panay rin ang reporting at quizzes namin pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa kakaaral. Ewan. Nakakamangha rin iyong mga pursigido mag-aral. ‘no? Hindi ko alam kung saan sila nakakakuha ng motivation at lakas para maging masipag. Ako kasi... gusto ko lang i-prove sa sarili ko na kaya kong maging mabuti kahit hindi ko pa alam ang gusto kong gawin sa buhay. At sana hindi ako mapunta sa lugar na hindi ako masaya katulad ni Kuya Yves. Hindi ko alam pero napansin ko iyon noon pa. Walang choice si kuya kun’di sundin na lang ang magulang namin. Basta nakakatulong siya, okay na siya.

Habang nasa meeting room kami ni Karmi kanina, naiyak siya at naghingi ng sorry sa pagtanggi niya sa aya ko noong nakaraan. Sinisante raw ng parents niya ang dati niyang guwardya dahil kinukunsinti raw ang anak nila sa bawat paghatid at sunod sa bawat lakad namin ng hindi nila alam. Hindi na rin daw kami makakapaglaro o makakapag-gala dahil strict na rin ang guwardyang pinalit ng magulang niya. Sa school na lang daw kami pwedeng magkasama. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kanina. Hindi ako marunong magcomfort ng tao. HUHU. Tapos niyakap niya ako. Wala na. Hindi ko na alam. Naramdaman ko na naman iyong parang kiliti at kuryente sa buong katawan ko. Sinearch ko sa google pero ang lumalabas lang puro tungkol sa kuryente. Hay. Sa bawat araw na nakikilala ko si Karmi, parang naliligaw ako sa bawat emosyong nararamdaman ko.

Itanong ko kaya kay Kuya Yves?

11:55 PM

May crush na raw ba ako? CRUSH BA ‘YON?

entangled stringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora