08

367 53 17
                                        

08

April 17

12 PM

Dear diary,

KAKLASE KO SI KARMI! Hindi nakakatuwa dahil
binubulabog na ako ni Kuya Lio. Update ko raw siya o makipag-friends daw ako kay Karmi. Nako. Sinasabi ko na talaga. Gusto ko magfocus mag-aral, oy! Buti ba kung tataas ang grades ko sa artista na iyon. Baka samahan ko pa siya sa buong klase araw-araw!

Gets ko iyong part na sige ang ganda niya. Ganda ng boses. Pero bakit kailangan sundan kung saan-saan? Ewan. Wala talaga akong maintindihan sa mga ganyang bagay. Idlip muna ako. Badtrip ako.

7 PM

Biglang naging center of attraction ako sa paningin ni Kuya Lio. Nagbigay pa ng checklist in case na bibigyan ko siya ng update pero s’yempre tumanggi ako. Hindi normal iyong ganoong pagsubaybay, ano. Bigyan naman ng space iyong tao, ‘di ba? Buti naintindihan ni kuya. Susumbong ko na sana kay Kuya Yves kapag namilipit pa. Hehe. Takot niya lang sa kuya namin!

Start na ng pasukan namin in two weeks. Simulan Mayo hanggang Pebrero ang school year namin. Mas marami rin ang festivals at outdoor activities dahil sa Media Institute ang school ko. Second to the last batch kami ng old curriculum. Related ba sa Media ang kukunin kong kurso sa kolehiyo? Siyempre hindi ko alam!

Ewan. Si Kuya Lio kasi Information Technology (I.T.) ang kinuhang course. Si Kuya Yves naman related sa sculpture. Maraming suggestion magulang ko pero hindi ko gusto. Pakiramdam ko tuloy pipiliin ko na lang kung saan ako nasanay.

Teka, maghuhugas lang ako ng pinggan.

10 PM

Naririnig ko si Kuya Lio na nakikinig sa album ni Karmi sa kabilang kwarto. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman na I.T. ang gusto niyang kurso. Hindi ko rin nga alam kung sineseryoso ba niya iyon. Okay naman kami ni kuya pero hindi kami... close. Pakiramdam ko nga napalapit lang siya sa akin dahil kay Karmi. Tinanong ko mga internet friend ko at sabi nila 50% ng desisyon nila eh sa parents din nila. Ano ba ang hilig ko? Camera lang siguro. Ni hindi ko nga rin ito pinagtutuunan ng pansin. Grabe. Pahingi naman ng tips para sa matuwid na daan papuntang kolehiyo! Huhu.

12 AM

Tinext ko si Kuya Yves at siya ang tinanong ko. Ang sabi niya lang, “Kung ano’ng sa tingin mo’ng makakatulong sa ‘yo sa future at makakapagpasaya sa ‘yo, ‘yon ang piliin mo, Lia. Mag-aartista ka ba? ‘Wag!"

Welcome sa pamilyang Miranda >:))))))))))

entangled stringsWhere stories live. Discover now