02

877 73 20
                                        

ENTRY #2

April 11

10 AM

Deary diary,

PASENSYA maaga ako today. Nakita ko sa TV iyong Karmi. Singer pala. Actress din. Sumasayaw rin siya? Ewan. Sana ako rin maraming talent. Puro sama ng loob meron ako, e. Well, okay naman boses niya. Pang acoustic, gano’n? Eh mukhang crush din ni Kuya Lio dahil tutok na tutok ang mga mata niya sa TV kahit ‘di pa siya tapos magwalis sa sala. Hawak-hawak niya ‘yung walis tambo! Nako. Madaldal pa naman ito. Baka maging almusal, tanghalian, at hapunan ko na rin marinig lahat ng balita tungkol sa artistang ‘yon. Jusko.
Nagugutom na ako. Nagluto si Kuya Yvonne ng spicy hotdog. Ayaw niya talaga sa ‘kin.

Sige. Mamaya na ulit.

6 PM

Tuwing ala-sais ng gabi, nasa sala kaming lahat at nagkukwentuhan ng parents at mga kapatid ko. Nagkakamustahan sa araw ng isa’t isa. At ayan na nga! Nagsimula na si Kuya Lio dumaldal tungkol kay Karmi. Karmi Constencia raw ang pangalan. Ang ganda raw. Syempre! Malamang kailangan maganda. Artista iyan, e. Kaedad ko lang at ayon kay kuya, sa school ko rin siya mag-aaral ngayong school year. Kaya pala gano’n na lang mag-ingay ang mga sumusuporta sa kanya no’ng enrollment. Sa rami ng prestihiyosong school, bakit doon pa? Eh magiging pala absent din naman iyan. Ano’ng point?

Sige, maghuhugas lang ako ng pinggan. Kahit isang platito bawal matira sa lababo. Mahirap na. Baka pag-intrisan na naman ako ni Kuya Lio.
Hindi ko sure kung magsusulat pa ulit ako o bukas na lang. Medyo antok na rin ako, eh.

11 PM

Hindi na natapos ang pagdaldal ni Kuya Lio tungkol sa artista. Paulit-ulit pa niyang pinapapanood ang napanood naming performance niya kaninang umaga. Pinagtatawanan lang nila si Kuya Lio. Sobrang ingay nila. Huhu. Buti na lang masarap iyong ulam. Afritada! Kailangan pala mag-exist ang isang Karmi para sipagin siyang magluto ng masarap. O dahil kumpleto na rin kami sa bahay. Hay. Ang daya talaga.

Sinubukan kong mag-advance reading para sa pasukan, pero walang pumapasok sa kokote ko kun’di ang ingay ni Kuya Lio. Sumilay na lang ako sa bintana at kinuhaan ng litrato ang buwan at ang mga pumapaligid sa kanya.

Goodnight.

entangled stringsWhere stories live. Discover now