38

227 34 9
                                    

38

April 17

11:30 PM

Dear Karmi,

Isang taon at maraming okasyon ang lumipas simula noong magkita tayo sa Park. Unang taon ko rin as Media Art student. Grabe iyong pressure, pero at least alam kong kakayanin ko ito. Ilang beses kong kinausap ang pamilya ko tungkol sa kursong kukunin ko. Bakit daw ba ayaw kong kunin ang Media Arts noong una? Kasi hindi ako naniniwala sa kakayahan ko. Kasi naaalala kita sa bawat taong kinukuhaan at pinipinta ko. Kasi natatakot akong ikaw lang ang maging dahilan kung bakit ko ito gustong kunin at hindi dahil sa ito ang alam kong kaya at magpapasaya sa akin. Mahirap kasing gawin dahilan ang isang tao sa isang bagay na pwedeng makaapekto sa future mo.

Nabasa ko sa Twitter na nagquit ka na sa entertainment company ng parents mo, gaya ng sinabi mo noong huli tayong magkita. Tinulungan ka ng Ate Karmina mo sa pamamagitan ng pag-eexpose niyo sa parents niyo tungkol sa sexual exploitation na nangyayari sa kompanya nila. Bawat artista nila nagsampa ng kaso at itinutulak na isara ang kompanya. Sobrang proud ako sa iyo, Karmi.

Nabasa ko na iyong mga sulat mo. Tinago pala ni Kuya Lio somewhere sa kwarto ko kasama iyong camera at iba pang bagay na may memories tayo. Bawat sulat binabasa ko tuwing gabi. Paulit-ulit. Sa sobrang dami ng letters, hanggang ngayon hindi ko pa natatapos basahin isa-isa. Halos araw-araw kang nagsusulat sa isang taon.

Ako ang naging dahilan mo para makaiwas sa mga bagay na nakakasakit sa ‘yo.

entangled stringsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin