11

361 54 20
                                        

11

April 31

5 PM

Dear diary,

Muntik akong malate sa first day of school! Basang basa pa iyong buhok ko gusto na akong ihatid ni Kuya Lio sa school. Nako. Eh hindi naman niya masisilayan si Karmi pero masyadong mapilit. Nasabihan ko tuloy na creepy siya kaya ayon, nagtampo at umuwi. Sinuyo ko pa bago ako makaalis sa bahay. Hay.

Patapos na ang ceremony pagkarating ko sa school. Grabe. Bueno mano nasa pila ng late! Nagbabagong buhay na nga ako, e. Hay. Ayon, medyo nasermonan ako ng instructor ko sa Media class. Siya kasi ang nagbabantay sa pila kanina. Olats talaga.

Habang sinesermunan ako, dumating ‘yong Karmi. Late rin pero hindi man lang nasermunan! Pinagtanggol pa ng instructor ko dahil galing daw sa taping. Grabe ‘yong pribilehiyo niya rito sa school nararamdaman ko na agad.

After ng ceremony, ayon nakaamoy ako ng pamilyar na pabango. Hay. Si Karmi. Nagsorry sa nangyari. Hindi ko alam sasabihin ko. Bakit naman kasi siya nagsosorry, ‘di ba?

Hindi ko alam iaakto ko kaya tumango na lang ako. Bigla naman siyang ngumiti.

Okay. Gusto ko magmura. Ewan.

Sobrang daming nangyari sa unang araw ko sa school pero pakiramdam ko ako lang naman nag-iisip no’n dahil ako lang din naman ang nakakapansin. Kwento ko mamaya! Kakain muna ako. Hehe.

10 PM

Kanina ko pa gustong bumalik sa pagsulat dito pero maagang nagpaplano ang Media Org. para sa upcoming events ngayong taon. Ewan ko ba. Mag-aadvance reading pa ako para hindi na ako mangamote sa recitation. Naks! Nagbabagong buhay na talaga si Lianne :)))))

Heto na nga ikukwento ko na lahat ng nangyari at napansin ko sa first day ko kanina. Ewan ko. May something talaga sa artista na iyon. Buti na lang hindi kami seatmates dahil malayo ang initials ng apelyido namin sa isa’t isa. Baka hindi ako makapagconcentrate.

Biro lang. Gets ko na naman kung bakit maraming may gusto sa kanya... sa mukhang parte nga lang. Mukhang mabait naman siya? Ewan. Binabase ko lang sa kung paano siya makitungo sa classroom kanina. Parang naliligo siya sa pabango at amoy na amoy ito sa buong pasilyo. Ang ayos ng buhok niya at naka-ponytail ang kalahating parte nito. Artistahin talaga. Ayon pinapakanta siya sa classroom pero tumanggi siya. Ayaw niya raw maghalo ang trabaho niya sa pag-aaral niya. May point pero... posible ba iyon? S’yempre nadisappoint mga classmate namin. Sus. Parang iyon lang, e.

Dala ko iyong camera ko kanina. Niregalo ito sa akin ni papa noong first year ako pero madalang kong magamit dahil hinahanap ko pa rin kung ano’ng subject o klase ng aesthetic ang gusto kong kuhaan. Sa dalawang taon puro pagkain laman ng camera ko. Minsan ginagamit ko kapag may video presentation kami, pero binubura ko agad dahil baka makita ng mga kuya ko. Ngayong taon? Hindi ko alam.

Well... itong si Karmi nagtanong kung pwede ko raw siya picturan during breaktime. Ang ganda raw kasi ng camera ko pati modelo alam niya. Nikon Coolpix 1000.

Limang litrato ata ang nakuhanan ko sa kanya. Sabi niya ‘wag ko raw ipapakita sa iba kahit na muntik na akong dumugin ng classmates namin kanina. Nako. Tama bang dinikit ko ang sarili ko sa artistang ‘to?

• • •

Lianne felt like she was in a trap as she let Karmi’s beauty invaded the gallery of her camera. As long as she wanted to avoid her and ignore the bothering feeling lingering inside her whenever Karmi’s near, she doesn’t have a choice but to face it.

Wala lang ‘to. Masyadong bata at ignorante pa ako sa ganyang bagay.

Ngayon lang kasi ako nakasalamuha ng artista.

“Sigurado ka ba ayaw mo ng copy?” tanong muli ni Lianne kay Karmi. Parehas silang nakatayo sa tapat ng railings ng hallway. Pati classmates nila ay pinapanood sila mula sa bintana ng kanilang classroom.

Tumingala si Karmi at ngumiti sa papadilim na kalangitan. Kulang na lang bumuhos ang ulan sa lamig ng hanging humahalik sa kanilang pisngi. Ni wala na atang balak pumasok ang guro sa next subject nila.

Sinusubukan ni Lianne na ‘wag lumingon, pero hindi kumikibo ang kasama kaya wala siyang nagawa.

“Karmi.”

“I said just keep them, ‘di ba? Just don’t post or give the photos to anyone.”

Lianne frowned, confused. “Why?”

“I like your camera.”

Lianne looked away before Karmi could catch her eyes.

Lianne just couldn’t stare back at those pair of mesmerizing hazel brown eyes.

“Sige. I’ll keep them safe,” ani Lianne.

Karmi smiled even wider. For the first time, she felt safe. “That means a lot to me.”

Hindi na kumibo si Lianne, sapat na iyong malakas na kabog ng dibdib niya para manahimik. Kung ano-ano na ang nararamdaman niya sa artistang ito.

• • •

entangled stringsWhere stories live. Discover now