20
May 22
9 PM
Dear diary,
GRABE. Kaninang umaga hindi na nagpresinta si Kuya Lio na ihatid ako sa school. Ni hindi niya na binabanggit si Karmi kahit sa bahay. Bigla BOOM nawalan siya ng amor. Nacucurious tuloy ako. Gusto ko man itanong pero baka magalit sa akin. Hay. Siguro okay na rin iyon. Marami namang ibang pwedeng pagkakaabalahan d'yan, e.
Absent si Karmi sa school. Tahimik ang paligid ko. Hindi rin siya nagtetext. Aba! Kunyari wala kang nabasa. Wala akong correction tape, eh. Basta ang boring sa school buong araw. Nag-aral lang din ako pagkauwi. Mula lunes hanggang kahapon kulang na lang idikit niya sarili niya sa akin. Nagiging routine na namin umidlip sa meeting room, kumain sa carenderia sa labasan, at kahapon binigyan niya pa ako ng Starbucks. Hindi ako fan ng kape pero dahil mamahalin pinatos ko na. Ayon lang.
Ang daming i-eedit. Ako ata ang backbone ng Media Org!
BINABASA MO ANG
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922