01

1.2K 73 27
                                        

ENTRY #1

April 10

9 PM

Dear diary,

PUTCHA! First day of enrollment namin sa school para sa mga upcoming third year, pero parang may presscon sa rami ng tao— dahil lang sa isang artistang gustong mag-aral! Jusko. Wala na bang boundaries sa ganitong bagay? Kahit pati pag-enroll kailangan supportive? Pinahawak pa sa ‘kin iyong isang banner para sa artista. Karmi fans club daw. Ni hindi ko nga kilala ang pangalan no’n. Ang init-init pa sa pilahan kanina. Kung wala lang libreng meryenda hindi ko talaga hahawakan ang banner na ‘yun!

ANYWAY, buti na lang nakaabot pa ako sa early enrollment dahil kung hindi, mapupunta ako sa dati kong section. Ayaw ko na roon. Gusto ko na magbagong buhay. New year’s resolution kumbaga. Ewan.

Hindi ko rin nagustuhan ang agahan ko kanina. Ginisang ampalaya na may scrambled eggs. Feeling ko masama loob sa akin ni Kuya Lio dahil parating ‘yun ang ulam simula noong nakaraang linggo. Ang sabi niya dapat daw kumain ako ng gulay at mas tipid daw dahil kaming dalawa lang naman ang kumakain. Kapag nagrerequest naman ako kahit hotdog lang, ayaw niya. Sobrang damot! Pero kapag kumpleto ang pamilya sa bahay parang may noche buena.

Ampon lang ata ako. Dati binibiro lang nila pero mukhang seryso na nga… kung hindi ko lang kamukha si Mama Ysabelle ay baka hindi na ako magduda.

Nakakapagod ang pagpila sa school kanina kaya dumiretso ako kwarto pag-uwi. Ayon nasermunan ako ni Kuya Yvonne. Maglinis daw ako ng kusina. Hmp! Wala namang kalat, ano pa’ng lilinisin ko? Kung puwede lang ipaanod ang sarili sa lababo ay nagawa ko na. Kakatampo.

Ganito pala magsulat sa diary? Nakakangalay magsulat pero nakakabawas din ng mga iniisip.
Sige na. Iidlip na muna ako.

Bye!

entangled stringsWhere stories live. Discover now