19

231 38 3
                                    

19

May 19

1 PM

Dear diary,

Kakagaling lang namin sa simbahan. Alam mo kung ano ang nangyari? Pinagchichismisan ako ng mga nakakakilala sa akin dahil sa nagkalat na litrato namin ni Karmi. Sa SIMBAHAN talaga, ha. Naging siNbahan tuloy ang tingin ko sa lugar kanina. Jusko. Bata lang naman ako. Ano'ng big deal makasama ng isang batang artista ang kaibigan niya? Pati tuloy si mama medyo nainis sa narinig niya. Binawasan niya tuloy iyong i-dodonate niya sana simbahan.

Teka, kakain lang kami. Nandito si Kuya Yves!

6 PM

Nakakwentuhan ko si Kuya Yves kanina bago siya umalis pabalik sa furniture house. Hindi naman daw niya kinausap si Kuya Lio. Kusa daw naglaylow maging fanboy. Baka raw dahil sa school works pero ewan ko? Parang may iba, e. Tapos si Kuya Yves biglang nagtanong tungkol sa school. Kamusta raw performance ko, etc. Masaya raw siyang pinagbubutihan ko mag-aral, pero huwag ko raw hayaan na malunod lang at i-pressure ang sarili ko para sa kolehiyo. May isang taon pa naman, 'di ba? Kaya paborito kong kuya 'to, eh. Okay lang din daw lumandi basta ipapaalam ko sa kanya. Grabe. Uunahin ko munang alagaan ang sarili ko bago lumandi, 'no!

11 PM

Nagtext si Karmi. See you daw sa school.

entangled stringsWhere stories live. Discover now