22

223 35 8
                                    

22

May 25

10 AM

Dear diary,

GRABE. Halos hindi ako nakatulog kakaisip at kaka-connect the dots. Sobrang nawindang ako sa nalaman ko.

Hmm... so nagresearch ako tungkol kay Karmi at nalaman kong may nakakatanda siyang kapatid na babae. Dating artista pero nagquit for personal reasons. Nag-abroad ito at doon na nanirahan. Si Karmi ang naiwan sa parents niya. At sino itong ate ni Karmi? EX-GIRLFRIEND NI KUYA noong highschool. Si Karmina Romano. Naaalala ko pa kung gaano siya kadalas bumisita sa amin noong artista pa siya. Lapitin ata kami ng showbiz. Ewan. Sobrang liit ng mundo? Sobrang OA ng gulat ko kagabi noong makita ko ang mukha niya sa isang litrato kasama si Karmi.

2 PM

Pagkatapos ko mag-edit ng videos para sa Media Org, natripan kong tignan ang laman ng camera ko. Hindi na nakakagulat na puro si Karmi ang laman. Tuwing magkasama kami sa school o noong nagmall kami, nagpapakuha siya ng litrato sa akin. Nakakabisado ko tuloy ang mukha niya. Naalala ko tinukso ko siyang kumanta sa harap ko tapos tinawanan lang ako? Baka peke iyong singing voice niya. Bakit pa siya mahihiyang kumanta sa harap ko e halos hindi na nga kami maghiwalay sa school. Pakiramdam ko bigla na lang may susugod sa akin sa hallway para gyerahin ako, e.

Pero kahit papaano, natutulungan ako ni Karmi mafigure out kung gusto ko bang magpursue mg related sa photography sa kolehiyo o gusto ko lang ito as a hobby. Hindi naman ako mahina sa math— pero ayaw na ayaw kong nagsosolove ng math problems talaga. Sa literature naman sakto lang. Gusto ko magbasa pero hindi ako sigurado kung interesado ba ako mag-aral ng mas malalim pa roon. Sa P.E. naman nako... HARD PASS. Araw-araw kong sinusubukan alamin kung ano ba talagang gusto ko. Grabe, ano? Hindi ko naman ginustong ipanganak ako pero namomoblema ako para sa future ko. Hay, buhay. Kay liit— kay laki. Nakakaligaw, nakakabaliw, at nakakamangha. Naks. Medyo malalim ‘yon, ah.

Sige, maya na lang ulit. Nagluluto pa naman si Kuya Lio ng paborito kong pagkain! Palabok. Hehe. Wala siyang nakain na kung ano pero feeling ko nalaman niya rin siguro ang relasyon ng first love niya kay Karmi.

11 PM

Inaaya ako ni Karmi maglaro ng board games bukas. Papayag ba ako? Nagtatanong pa siya kung pwede raw ba kami dito sa bahay. Ay, wow. Mukhang papangit agad ang timpla ko kay Kuya Lio. HUHU. Buti sinulit ko iyong palabok!

entangled stringsWhere stories live. Discover now