17
May 17
12 AM
Dear diary,
Gusto ko man layuan, mukhang ako lang din naman ang pinagkakatiwalaan ni Karmi sa school. Bawat araw pumipirma siya ng kung ano anong merchandise na related sa kanya. May ibang nagpapapicture. Minsan sinasamahan ko pa siyang umidlip sa meeting room kapag vacant iyong pasilyo. Ewan ko kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito, pero siguro dahil gusto ko rin ng kaibigan? Mabait naman si Karmi. Hindi nga makabasag pinggan minsan at maraming hindi alam sa labas dahil trabaho at school lang daw siya pwede. Hindi ko alam kung magiging grateful ba ako sa buhay at laya na meron ako kesa sa merong yaman pero walang laya. Ewan.
Minsan tumatabi na rin siya sa akin sa klase kahit by surname ang seating arrangement. Nako. Ginagamit talaga ang pribilehiyo niya sa school! Mas pagpipyestahan ako ng mga classmate namin. Huhu. Jusko. Kung mapapahamak man o mabubully ako ipagtatanggol naman ako nito, ‘di ba?
YOU ARE READING
entangled strings
Romanceshe wants nothing but a good future ahead of her, but as she met this woman in the limelight, she doesn't know how to navigate her life anymore. st. 030522 en. 030922