09

291 49 3
                                    

09

April 29

9 AM

Dear diary,

Sobrang abala ako sa bahay at sa pabalik-balik na org. meetings sa school bago magpasukan sa lunes. Biglang ang daming i-eedit na videos at aayusin na presentation. Ang bongga kasi ng back-to-school ceremony ng school. Hay. Pa-impress lang sa mga bagong salta bago ang totoong kalbaryo sa highschool. Ang galing, 'di ba! Nagoyo rin nila ako d'yan. Medyo.

Dahil magiging kaklase ko si Karmi, madalas ko siyang nakakahalubilo sa mga meeting. New member na rin siya ng Media Org. at sa pagkakaalala ko sobra na kami sa members. Well, advantage na rin siguro? Grabe nga kanina ang daming pagkain galing sa kanya. Kinuwento ko kay Kuya Lio at natuwa sa narinig. Proud daw siya kay Karmi. Sa akin kaya proud siya? Unfair, ha!

• • •

Pokus na pokus ang bawat ka-org ni Lianne sa meeting habang siya naman ay panay ang tingin sa katabi niyang artista. Amoy na amoy nito ang mamahaling pabango. Pakiramdam niya madali niya na lang makikilala ito dahil dito.

Nakapatong ang magkabilang siko ni Lianne sa mesa at sinubukang makinig sa ka-org niya na patuloy na nagsasalita habang may sinusulat sa white board. Nakatutok ang mga mata niya sa harap pero ang atensyon niya hindi pa rin maalis sa katabi.

Hoy! Ano ba, Lia! Tandaan mo, mas proud pa kuya mo sa kanya kesa sa ‘yo!

Bumuntong hininga ng dalaga pero nagitla ito nang maramdaman ang pagdikit ng siko ni Karmi sa braso niya. Pati atensyon ng mga kasama niya ay napunta sa kanya.

Lianne tried her best not to turn her head to Karmi. She couldn’t. She wouldn’t.

Pota, ang weird. Bakit ba ganito epekto sa akin nito? Wala naman akong paki sa kanya! Si kuya lang!

“I’m so sorry po,” ani Karmi at agad na nagmove-on ang lahat... maliban kay Lianne.

Parang naiwan iyong pakiramdam sa siko niya at dahan-dahang kumakalat sa sistema niya. Litong lito man sa nararamdaman, nilabanan niya ito hanggang sa matapos ang meeting.

Lianne tried to move her elbows away and bit her lower lip, trying not to steal another glance on Karmi.

Nang matapos ang meeting, madaling lumakad papunta sa paradahan ng bike ang dalaga at sumampa rito at hindi na nag-abalang magpaalam sa mga kasama.

Karmi was standing from the meeting room, confused as she watched the stranger pulling the pedals of her bike in semi-circles until she vanished in her sight.

• • •

entangled stringsWhere stories live. Discover now