36

256 37 1
                                        

36

March 1

11 PM

Dear Karmi,

It’s my birthday today. Ilang buwan akong hindi nagsulat dahil naging abala ako sa school. Nahihilig ako sa pagpinta at sculpting these past few weeks. Nahihilig ko rin magbasa sa National Bookstore tuwing weekend kasama ang mga classmate ko. Habang tumatagal, nawawala iyong pait sa dibdib ko kapag naalala kita. May bago ka na namang pelikula. Kakabirthday mo lang din noong February, nakita ko sa balita. Hindi ko na kailangan tanungin ang birthday mo tutal hindi na rin naman ako siguradong magkikita pa tayo.

Mas naging matunog pa ang pangalan mo ngayon simula noong lumabas iyong adult film mo. Tuwing naaalala ko iyon, hindi ko maiwasan magalit. Sana may nakakausap ka kahit papaano. Sana may napaglilibangan ka gaya ng pagpasok mo sa school noon. Kumakain at natutulog ka ba nang maayos?

Si Kuya Lio ang nagluto ng handa ko kanina. Ang bongga pa ng luto niya sa paborito kong palabok. I wonder kung magugustuhan mo ang pagkain na iyon. Siguro, hindi? Baka maalala mo iyong mga pastang madalas mong kinakain. Sana nandi— sana alam mo kung kailan ang birthday ko.

Ang wish ko lang, sana maging maayos ang taon na ito. Sana maging maayos din ang lahat sa iyo, Karmi. 

entangled stringsWhere stories live. Discover now