27

206 36 2
                                    

27

May 26

5 PM

Dear diary,

Hindi ko inaasahang pagpipyestahan ako ng mga dating kong classmate noong breaktime kanina. Absent si Karmi pero itong mga fan niya ang umaaligid sa akin kapag wala siya. Minsan inaagaw pati pagkain ko. Gold digger naman daw kasi ako dahil nasa higher section na ako’t kaibigan ko pa ang sikat na artista ngayon. Minsan naman bigla na lang may humihila sa bag o sa buhok ko kapag naglalakad ako sa hallway. Naiiyak na nga lang ako minsan sa kwarto, puro sorry naman si Karmi kapag kinukwento ko sa kanya sa text. Hindi ko alam, gusto ko muna lumayo sa kanya. Hindi ko na nga alam nararamdaman ko, hinuhusgahan pa ako ng mga tao sa school.

11 PM

Ilang oras akong nakikinig sa mga kanta ni Karmi. Nakahiga lang ako sa kama habang nakasilay sa kisame, saglit na binabalewala ang school works ko. Nagtext siya na babawi raw siya at hindi ako nagreply. Ang lumanay ng boses niya kapag kumakanta. Parang hinehele ako’t nadadala ako sa emosyon ng musika. Iyong laman ng camera ko, puro siya na. Dati hindi ko maintindihan si Kuya Lio. Ngayon, naiintindihan ko na. Higit pa sa sobra.

UGH. Nakakabaliw naman ‘to. Gagawin ko na nga school works ko!

12 AM

Himala at bigla akong binisita ni Kuya Lio sa kwarto ko. Kinakamusta ako tungkol sa school... at kay Karmi. Hindi na raw niya alam ang mararamdaman no’ng nalaman niyang ate pala ni Karmi ang ex-girlfriend niya, kaya mas pinili niya na lang ihinto ang pagsuporta sa kaibigan ko. Naaalala niya raw kung paano siya biglang iniwan ni Karmina sa ere— walang pasabi o paalam man lang. Sinabihan niya akong mag-ingat dahil malupit daw ang pamilya ni Karmi. Baka pati future ko madamay. Natakot tuloy ako.

Nagtext pa naman si Karmi, nag-aaya kumain sa labas after school. Ano’ng gagawin ko kung parehas kaming madedehado kapag hindi ako lumayo? HUHU. Bakit ba ako napunta dito? Hay.

entangled stringsKde žijí příběhy. Začni objevovat