Karmi's letters #130 of 365

276 37 10
                                    

TW // Sexual Harassment

Dear Lia,

It was a stressful day. Sunod-sunod ang shoot ko for an endorsement halos isang oras na lang ang tulog ko. Ngayon lang ako nakauwi ng bahay tapos in two hours aalis na naman ako para sa isang meeting kasama ang parents ko. Hindi na nga ako makahinga sa iba’t ibang heavy makeup na ginagawa sa mukha ko. Hindi ko na maintindihan ang sikmura ko sa dami ng kinakain kong pagkain, hindi ko pa sure kung healthy diet ba itong ginagawa ko or they’re starving me. Ayaw nila akong ako mismo pumili ng gusto ko. Napapagod na talaga ako, Lia. Siguro kung kasama kita ang tino ng mga kinakain ko. Miss na kita :(

We don’t talk anymore and it was because of me... and my parents. They ruined the small world we built together. They ruined the bond I’ve been craving for since I’ve been lonely my whole life. Alam mo ba, making you take me pictures is my love language for you. Kasi sa tingin ko, ikaw lang ang may karapatan gumawa no’n sa akin. I hate it when other people do it, but if it’s you I feel so safe and comfortable. It was like... giving you some pieces of me. The smiles, the laughter, and all the things I barely share with anyone.

Marami akong naging problema behind the scenes during photoshoot na laging pinapaalala sa akin ng magulang ko. I’ve been sexually harassed physically, visually, and verbally since I started this suffocating job. I never feel safe towards anyone at my workplace even with my parents. Lagi akong pinagsusuot ng revealing na damit kahit hindi naman konektado sa theme ng shoot. Pinagpopose ako ng kung ano anong pwedeng maging tawag laman sa mga kalalakihan. Alam mo naman... kahit simple gesture lang sa ibang mga lalaki, iisa lang ang nasa utak nila. Gaya ng sabi ni Daddy, “libog.”

Noong una okay lang kasi wala kong muwang sa ginagawa ko. Tapos biglang may kirot na sa dibdib ko kasi tuwing tumatanggi ako sa gusto ng direktor, pinapagalitan ako ng magulang ko. Hanggang sa naging manhid na ako. Minsan nandidiri na nga ako sa sarili ko. Lalo na’t lagi kong naaalalang sixteen years old pa lang ako noong simulan kong gawin lahat ng ito. Gusto ko mang tumakas, alam kong imposible. Lumiit ang mundo ko simula noong mag-artista ako.

Tuwing may pangit na nangyayari sa akin sa trabaho, iniinisip ko na lang kung paano tayo nagkakilala. Mukhang ilag ka nga sa akin, pero mabait ka makitungo. Ikaw lang ata sa school ang hindi tumingin sa akin na parang napaka-laki ng halaga ko. Ni hindi mo nga ako tinatanong tungkol sa pag-aartista ko. Natuwa akong wala ka man lang bahid ng kuryosidad sa kung ano’ng ginagawa ko... kasi wala ka namang magandang maririnig. Nakakahiya. Trinato mo ako ng naaayon sa edad ko. Naglalaro, kumakain, nagbabasa, natutulog, at nag-aaral magkasama. Ganoon ang gusto ko na hindi maintindihan ng magulang ko. Iyong pag-eenroll ko sa school may kapalit na adult film project. Pumayag ako, kasi gustong gusto ko maranasan maging batang dalaga. Tapos nakilala kita. Tinuring agad kitang best friend simula noong nagpakuha ako sa ‘yo ng litrato. That was my way of giving in to you, Lia.

Even just for months, I got to feel what it’s like to be a teenager. I could never thank you enough for making me feel like I have power to create my own world... my little sanctuary with you.

entangled stringsWhere stories live. Discover now