Karmi's letters #129 of 365

213 35 3
                                    


Dear Lia,

After being imprisoned by my parents, I quit the industry. It all went downhill for my parents after Ate Karmina and I exposed them for everything they did by releasing a statement on my social media accounts. The other victims came forward after and exposed everyone who did them wrong in the company.

Ang sakit sa puso, Lia. Sa rami ng narinig kong testimonya sa bawat hearing na dinadaluhan namin ni Ate Karmina, parang gusto kong makagawa ng masama sa mga magulang ko at ibang trabahador nila. Iyong bawat hagulgol at hiyaw sa galit ng mga biktima habang inaalala at kinukwento ang mga nangyari, parang dinudurong ang buong katauhan ko sa konsensya at galit. Pero iba ang ligayang naramdaman ko nang mahatulan sila ng panghabang buhay na pagkakakulong. They deserved to rot in prison. They deserved to suffer until death.

Lumipad kami papuntang States pagkatapos no’n at nanghingi ng professional help sa lahat ng abuso, trauma, at adiksyong naransan ko. Ang hirap noong una. Sobrang nakonsensya si Ate Karmina sa nangyari sa ‘kin. Sana raw maaga niyang nabasa lahat ng mensahe ko. Sana raw hindi niya ako iniwan. Grabe, ‘no? Parehas lang naman kaming biktima, pero nakakaramdam pa kami ng konsensya. Iyong mga magulang ko? Pati demonyo sisipain sila palabas ng impyerno. Ni patawarin sila hinding hindi ko magagawa.

Cheaters, abusers, rapist and assaulters never deserve to be forgiven. Minsan nagiging tiyansa lang nila iyon para gawin ulit ang mali nila. They never deserve to be heard. They never deserve to live in peace. Why would I give someone a chance when they didn’t even give me a chance to be in peace?

Sinalubong ko ang bagong taon na may maliit na ngiti habang hinihilom ang sarili, Lia. Hindi ba nakakatuwa? Sana ikaw rin nagsasaya kasama ang pamilya mo. Miss na kita. Wala atang palabok dito sa US. Pero susubukan ko maghanap, ‘no! 

entangled stringsWhere stories live. Discover now