26

244 40 1
                                        

26

May 18

10 PM

Dear diary,

Naging hiding spot namin ni Karmi ang meeting room. Doon na kami sabay kumakain tuwing breaktime, nagbabasa ng mga librong binili niya, nagkukwentuhan, umiidlip, at nagkukuhaan ng litrato. Parang may sarili kaming mundo tuwing nandoon kami sa tahimik na pasilyo. Minsan sabay na rin kaming gumawa ng activities at nagrereview. Kinukwento niya rin na baka hindi siya makapag-exam on time dahil sa upcoming movie niya. May Mall shows at kaliwa’t kanang interviews daw siya at halos dalawang linggo ang tinatagal nito. Tinanong ko nga kung bakit hindi na lang siya magdrop? Mas mahihirapan lang siya kapag pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral. Sabi naman niya, ayos lang daw. At least kapag nasa school daw siya nababawasan ang lungkot at pressure niya. Saka dahil din daw sa akin? Ewan ko kung bakit. Hindi na ako nakaamik no’ng sabihin niya iyon.

Tinanong ako ni Kuya Yves tungkol sa crush ko. Crush ko ba si Karmi? Grabe naman. Baka natural lang iyong pakiramdam na iyon? Parang best friend ko na si Karmi tapos biglang... crush? Tama ba iyon? Ni hindi nga ako makaramdam ng kahit anong attraction sa ibang tao.

11 PM

Baka infatuation lang. Sana.

entangled stringsWhere stories live. Discover now