31

252 38 26
                                        

31

November 20

12 PM

Dear Karmi,

Pinanood ko ang pelikula mo. Ang pangit sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdan kong adult film pala iyong shinushoot mo. Gusto kong masuka sa galit. Lagi kang trending sa social media. Kaliwa't kanan ang panghuhusga at pangungutya ng film critics sa 'yo. Sixteen ka lang, Karmi. Bakit nilulugar ka ng magulang mo sa mundong hindi mo dapat kinalalagyan?

Nagtransfer ako ng school dahil mas pinagpyestahan ako ng mga taong humahanga sa iyo. Binura mo iyong Instagram post mo na may picture natin. Binlock ko ang phone number mo dahil alam kong masosorry ka sa lahat ng nangyari. Galit ako sa iyo pero naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Alam kong nakokonsensya ka, pero mas mabuting hindi na tayo mag-usap dahil baka mas mapahamak ka pa.

Mas naging kampante ako noong nagtransfer ako sa Lan San Antonio University. Walang fanatics. Bantay rin nila ang mga estudyante. May iilan na akong kaibigan. Siguro matutuwa ka kapag nalaman mo, pero tuwing nakikita ko sila naaalala kita. Unang kaibigan kita, e. Kahit ilang buwan lang tayong nagkasama, sa dami ng memories natin hindi madaling balewalain lahat.

Halos masira ko ang camera ko sa galit sa sobrang pambubully sa 'kin noon lalo na't tinatamaan ako ng puberty, pati itsura at katawan ko hinusgahan ng mga tao sa dating school.

Hindi kita sinisisi, pero noong araw na iyon naisip kong sana hindi na lang kita nakilala.

entangled stringsWhere stories live. Discover now