10

305 52 16
                                    

10

April 30

5 PM

Dear diary,

Kakauwi ko lang galing sa school. Dapat talaga kanina pa, eh. Pero itong si Karmi nakaiwan ng gamit sa meeting room kanina at ako na lang ang naiwan kaya kailangan ko agad ipaalam sa Missing and Found house ng school. Ayon, inabot ng ilang oras dahil kinontact pa nila ang team ni Karmi. Ayaw akong paalisin? Uwing uwi na ako talaga. Tapos noong dumating sila meron pang pakain at nagpasalamat mismo sa akin si Karmi.

Ayon. Nakita ko ng malapitan iyong mukha.

No comment.

• • •

May pwersa ang pagpedal ni Lianne sa kanyang bike habang dinadama ang hangin sa sumasalubong sa mukha niya. Papalubog na ang araw at maingay ang paligid dahil malapit lang sa bayan ang tinitirhan niya. Matao at maingay tuwing gabi ang lugar nila.

Kahit saan pa siya tumingin, hindi niya maalis sa memorya niya ang hitsura ni Karmi. Kahit masemplang pa siya’y makikita niya ito kapag napapikit siya.

There was something about Karmi’s beauty that Lianne couldn’t resist. Her long and jet black hair that bounces every time she moves, her porcelain skintone was unbelievable to Lianne, her captivating hazel brown eyes, and her way of clothing that only mix in light or pastel colors. She’s beautiful. She’s bright.

No wonder someone couldn’t take her away from their sight.

Nang makarating si Lianne sa bahay ay pinasalubungan lang niya ng halik at yakap ang magulang nito at diretso nagtungo sa kwarto. Ni hindi man lang napansin si Lio na naghintay rin na salubungin siya.

Sus. Interesado lang naman si kuya sa akin dahil kay Karmi!

Napabuntong hininga ang dalaga sa pagod at pinihit pabukas ang doorknob ng kwarto saka hinubad ang medyas na suot. Inilapag niya lang ang bag sa tabi ng pinto at humiga sa kama.

Hindi maalis sa isip niya kung paano nagsorry si Karmi sa kanya. Gusto niya iuntog ang sarili sa pader ng makalimot... pero ayaw niya saktan sarili niya. Naguguluhan ito sa parating nararamdaman tuwing nand’yan si Karmi. Ang unang pumapasok lang sa isip niya ay tumakbo palayo dahil kung hindi... ano pa ang mukhang ihaharap niya sa paninitig niya rito?

Nagdabog ito sa kama at halos mapatili nang mahulog ito mula sa kama. Tangang tanga na siya sa lagay niya. Marami pa siyang gagawin pero heto mas pinaglalaanan niya ng oras iyong bagay na hindi niya maintindihan.

Lianne decided to lay on the floor and stared at the glowing stars on the ceiling. She could feel the strong intensity of her heartbeat up to her ears. Parang mahihilo siya sa halo-halong emosyon na nararamdaman.

Parang sirang plaka ang pangalan ng estrangherong artista sa utak niya.

Karmi... Karmi... Karmi... Karmi... Kar—

“Lia!”

Bago pa bumangon ang dalaga ay nagitla ito nang buksan ni Lio ang pintuan ng kanyang kwarto. Naningkit ang mga mata niya sa sinag ng ilaw mula sa hallway at tuluyang napatakip sa mukha gamit ang mga palad nito nang buksan ng kapatid niya ang ilaw.

“Bakit ka nakaratay d’yan?”

Umupo si Lianne at sinamaan ng tingin ang kuya niya.

Dahil sa ‘yo!

Nagkibit balikat lang si Lianne. “Papahinga lang, Kuya. Baba na rin ako.”

Tinaasan siya ng kilay ni Lio. Sumandal pa ito sa pinto at sinukbit ang hand towel na hawak sa balikat niya. Mukhang kakatapos lang magluto dahil pinagpapawisan ang noo nito. “Bakit ang sama ng tingin mo?”

Tinaasan niya rin ito ng kilay. “Bakit curious ka?”

Hindi mapigilan makaramdam ng pait tuwing nakikita niya ang kuya niya. Tuwing makikita niya si Karmi, dumadagdag lang ang sama ng loob niya. Sa mundo. Sa sarili. Sa kapatid. Sa lintik na pusong naghuhumiyaw na parang walang bukas.

• • •

entangled stringsWhere stories live. Discover now