18

238 41 6
                                    

18

May 18 

11 PM

Dear diary,

Nako! Parang umiikot ng 360° ang buhay ko sa rami ng nangyayari. Tinext ako ni Karmi kaninang umaga. Labas daw kami tapos tambay sa Unibooks para magbasa. Hilig niya raw kasi magbasa at mag-ikot sa loob. Parang tahanan daw ang pakiramdam niya sa lugar. Nagpaalam naman ako sa magulang ko. Si Kuya Lio nagprisinta pa na ihatid ako sa Mall. S’yempre para tipid sa pamasahe pumayag ako! Hindi niya alam idol niya pala kikitain ko. Ewan. Puna ko nga na hindi na siya gaanong fan na fan? Siguro kinausap ni Kuya Yves. HAHAHAHAHA.

Ayon, parehas kaming naka-cap ni Karmi habang naglalakad-lakad sa Mall. Hindi ko nga alam kung paano siya pinayagan dahil sa huling tanda ko, strict ang parents niya. Tinanong ko nga habang kumakain kami. Galing daw siyang photoshoot kaya may excuse siya gumala. Okay. Ayaw ko naman siyang magsinungaling dahil parehas kaming madedehado? Ang weird na nga na nakacap at may isang body guard kaming kasama, e.

First time ko magbasa ng libro mismo sa isang bookstore. Hindi ko alam... pero I loved it? Mas dama ko magbasa. Mas dama ko iyong amoy at bawat pahina? Kapag kasi sa bahay nagiging display na lang mga nabibili kong libro. Siguro mas gusto ko magbasa in public? Ang enlightening kapag may nadidiscover kang interesting sa sarili mo, ano?

Mga alas-tres ng hapon ako nakauwi dahil may shoot pa si Karmi. Wow lang, ha. Iyong free time niya nilaaan niya sa akin. Kamusta naman si Kuya Lio? Luging lugi na siya sa akin. Nadatnan ko nga lang siyang nag-aaral sa kwarto niya. Mukhang seryosong usapan ang ginawa sa kanya ni Kuya Yves. Grabe damot hindi man lang ako sinali! Sobrang OP na ako sa pamilyang ito!

Nagtext si Karmi ng, “thank you. wag ka na magreply” at sinunod ko naman.

entangled stringsWhere stories live. Discover now