15

288 45 3
                                        

15

May 10

11:30 PM

Dear diary,

As expected, kumalat ang pictures namin ni Karmi sa social media. Na-stressemé ako buong week sa school. Pakiramdam ko artista na rin ako sa atensyong nakukuha ko hanggang sa bahay. NAKO. SI KUYA LIO. Selos na selos sa ‘kin ang mokong. Si Kuya Yves naman nag-aalala sa safety ko. Huwag na raw ako magdidikit kay Karmi dahil baka madale ako ng manager niya. Masungit pa naman daw manager no’n sabi ni Kuya Lio. Sus. Tinulungan ko lang naman. Saka hinila ako no’ng tao?!?! Noong nakaraan nga inaya niya pa ako sa van niya. Kanino ba talaga ako dapat matakot? Sa school works ko, s’yempre! Tambak gawain ko halos second week pa lang.

May meeting ang Media Org. kanina at dahil talk-of-the-school ako, ako ang napagdiskitahan gawin lahat ng i-eedit sa upcoming events. Ang galing. Sobrang nakakatuwa talaga. Nagpaiwan na lang ako sa meeting room at ito namang si Karmi panay ang sorry sa tabi ko. Amoy na amoy ko iyong strawberry shampoong gamit niya sa bawat pagyuko niya sa harap ko. Sabi ko okay lang basta libre niya ako ng pagkain tuwing breaktime. Problem solve raw. Hanep. Hindi ko alam kung matutuwa o maiiyak ako sa kinalalagyan ko ngayon.

entangled stringsWhere stories live. Discover now