Vol. 8 Kapitel Seventy Three: "Devil's Luck"

488 31 37
                                    

Kapitel Seventy Three: "Devil's Luck"

****

"....Graal ba kamo ang sabi mo?"

"Opo Doktor." sagot ng manikang si Julia sa amo nitong si Doktor Barry. "Gusto niya kayong makausap, kung...ayos lang daw po sa inyo, Doktor."

Abala noong mga oras na iyon si Doktor Barry para gamutin ang mga sugatan at walang malay na mga tauhan ni Death na dinala sa kaniya ng kaniyang mga manika. Ayon sa impormasyon na nakarating sa kaniya, galing ang mga sugatang Retrievers mula sa isang misyon na may kinalaman sa mga Watchers.'Di umano ay nagtagumpay naman ang grupo na makuha ang kanilang pakay sa kalaban, ngunit hindi sila kumpletong nakauwi sa Santuwaryo ng mga Kaluluwa. Inaasahan na ng doktor na mangyayari ang bagay na iyon kaya naman nakahanda siya at ang kaniyang mga "aparatos" kung sakali man na may dalhing "specimen" sa kaniyang laboratoryo para pagkaabalahan.

Sa kasamaang palad, ang mga inaasahan niyang "specimen" ay pawang buhay at malalakas pa. May mangilan-ngilan na malalalim na sugat, galos at mga pasa ang mga ito, pero lahat sila ay pawang humihinga pa habang ang isa naman ay nawawala't 'di umano'y tinangay ng kalaban.

Nakakadismaya man, ngunit kailangan parin niyang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang "resident doctor" ng Santuwaryo ng mga Kaluluwa. Ngunit hindi kasama sa tungkulin na iyon ang pagtanggap niya ng biglaang bisita, lalo na kung wala naman itong naka-iskedyul na appointment sa kaniya.

"Ngayon na talaga? Hindi ba pwedeng mamaya?" medyo hindi pa kumbinsido ang doktor noong mga sandaling iyon na gusto siyang makausap ng walang iba kundi ang pinaka pihikan ngunit pinaka malakas na sandatang nilikha ni Death na si Graal. Pero hindi ugali ng doktor na magbigay ng oras sa mga bagay na wala sa kaniyang "schedule" kaya sumagot ito nang...

"Pakisabi na hindi kamo ako tumatanggap ng bisita na wala sa skedyul ko. Bumalik na lang siya sa susunod na araw kung gusto n'ya akong---"

"—makausap?"

Nagmistulang bato sa kaniyang kinatatayuan si Doktor Barry matapos nitong makarinig ng ibang tinig bukod sa kaniya at sa kaniyang alalay na si Julia sa silid na iyon. Hindi naglaon ay sinundan iyon ng isang malakas na ingay na tila ba may kung anong mabigat na bagay ang bumagsak sa sahig. Paglingon niya'y nakita niyang nakahandusay na sa lupa ang isa sa kaniyang mga "Julia" na wala nang ulo at basag ang kalahati ng katawan.

"Tsk...." Pinaghalong yamot at pagkadismaya ang tunog na lumabas sa bibig ng doktor pagkakita nito sa kaniyang sirang manika. "Alam mo ba kung gaano kahirap gumawa ng isang ganiyan? Maraming "specimen" ang kakailanganin ko para lang makabuo ng isang ganiyan!"

Pero hindi pinansin ng lalaking nanghimasok sa silid ang nabuburyong na daing ng doktor at sa halip ay lumapit ito sa nakahigang si Haru na noong mga oras na iyon ay nasa ilalim pa ng epekto ng pampatulog.

"Doktor Barry, tama? Sinabi sa akin ni Death na dito dadalhin ang holder ko para gamutin."

"Ikaw si Graal?" sarkastikong sinabi ito ni Doktor Barry kay Graal. Tulad ng pihikang treasure, may ugali ang doktor na kapag pinakitaan ng angas ay tatapatan din niya ito ng mas masahol pa. "Hindi ako binalaan ni Death na bibisitahin ako ng isang Ace Treasure dito. Bukod doon, no appointment, no transaction ang polisiya ko rito. Kaya naman malaya kang lumabas sa pintong 'yan at bumalik na lang kapag may oras na ako."

"At bakit ko naman gagawin 'yon kung kailan nandito na ako't nandito ka rin naman?" Kalmado at nananatiling mabikas ang sagot ni Graal sa kabila ng halatang pagsagad nito sa pasensya ng doktor. "Isa pa, hindi ka mag-aaksaya ng oras na palayasin ako kung wala kang "oras" para gawin 'yon. Sa madaling sabi, may oras ka para sa akin, doktor."

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon