Vol. 7 Kapitel Seventy: "Game of Chance"

1.1K 58 108
                                    

Kapitel Seventy: "Game of Chance"

*****

Ang Nakaraan sa Ghost Retriever...

"H--hindi..."

Labis na ikinabigla ni Haru at ng iba pa ang kalunus-lunos na kalagayan ng kanilang kasamahan at ngayo'y nasasakdal sa salang "pagtataksil" na walang iba kundi si Dante.

"D--Dante?!"

"Anong nangyayari?! Bakit nasa torture chamber si Dante!"

At mula sa kinatatayuan ni Doktor Barry na siyang naatasan na magsagawa ng masusing interogasyon ay sumulong ito't kinuha mula sa kaniyang assistant na si Julia ang isang hiringgilya na may laman na asul na likido.

"Huwag na nating patagalin ang paghihintay ninyong lahat, maaari ba? Kung inyong mamarapatin, sisimulan na natin ngayon ang pangungumpisal niya."

*****

"Hmm...talaga ba? Nag-uumpisa na sila ngayon?"

"Oo." Ibinagsak lahat ng pari na si Eli ang mga ipinahalungkat sa kaniya na mga papeles at mga lumang kasulatan sa mesa ng anghel na si Death. "Hindi ka ba pupunta roon para silipin sila?"

"Hmm...?"

Halatang nahahati ang atensyon ni Death sa pakikipag-usap niya kay Father Eli at sa pinagkakaabalahan nito. Makikitang puno ng mga lumang papeles at aklat ang mesa ng anghel na para bang mayroon itong importanteng bagay na kailangan nitong matuklasan sa lalong madaling panahon.

"Hindi na siguro kailangan ang presensya ko roon. Kayang kaya na 'yon ni Barry. Ah, paki abot nga ang aklat na 'yon, please?" At itinuro ng daliri ni Death ang isang makapal na pulang aklat habang abala sa pagkilatis sa isang lumang scroll na naglalaman ng mga lumang tala ng kasaysayan.

Sa totoo lang, walang kaide-ideya si Father Eli kung ano ang pinagkakaabalahan ni Death noong mga oras na iyon. Ni hindi manlang niya ito nakikitaan na mag-alala manlang sa kasalukuyan nilang sitwasyon, lalo na sa dinukot nitong assistant na si Miranda at sa nagtaksil nitong tauhan na si Dante.

Ngunit sa kabila ng mga katanungang iyon sa kaniyang isipan ay minabuti parin ng pari na limitahan ang kaniyang pagiging mausisa at sakyan na lang ang mga pinaggagawa ng kaniyang pansamantalang boss na si Death.

"Heto." Iniabot ng pari ang aklat na ipinakisuyo ng anghel na kuhanin nito. "May ipapakuha ka pa?"

"Wala na, salamat." Sagot ng anghel sa kaniya na magpahanggang sa mga sandaling iyon ay nakatutok parin sa pagbabasa ng mga nakatala sa mga lumang kasulatan. Nang sa kalagitnaan ng pagbabasa ng anghel ay bigla itong may naalala't tumingin kay Father Eli para muling makisuyo, "Mayroon pa pala. Ikuha mo naman ako ng hot chocolate, please?"

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon