Vol. 5 Kapitel Forty Two: "The Angry Princess"

1.4K 69 67
                                    


Kapitel Forty Two: "The Angry Princess"

*****

"Aba! Nasa iyo parin pala ang scarf na 'yan hanggang ngayon!"

.....

'Yon ang eksaktong mga salita na binitiwan niya sa akin kanina.

Pero...

Ano'ng ibig niyang sabihin sa mga sinabi niyang 'yon?

Imahinasyon ko lang ba 'yon? O sadyang may kakaiba sa mga sinabi niya kanina?

Na para bang...?

*****

"...may hindi tama?"

Napailing na lang bigla si Lumier nang maalala niya ang naging reaksyon ng binatang si Haru Grail sa suot niyang scarf, ang scarf na regalo pa sa kaniya ng namatay niyang matalik na kaibigan at kababata na si Haru Farell. Kung iisipin, maaaring nagkataon langna nasabi ng binatang si Haru Grail ang mga salitang 'yon kanina. Ngunit para kay Lumier, may kung anong hindi tama sa mga naging pahayag ng binata sa kaniya.

Na para bang....

"...lumalabas na siya ang nagbigay sa akin ng scarf na ito."

Napahawak si Lumier sa suot niyang balabal.

"Na para bang...siya mismo ang kababata kong si Haru?"

Hanggang sa...

"---Ate!"

Biglang naudlot ang malalim na iniisip ng dalagang si Lumier nang tawagin ng dalagitang si Yufa ang kaniyang pansin.

"Ano pang ginagawa mo d'yan, Ate? Tara na! Pumasok na tayo sa loob!"

"H--ha? Ah..." aminado si Lumier sa kaniyang sarili na napalalim ang kaniyang iniisip, na tipong hindi na nito napansin na papasok na pala sila sa loob ng simbahan kung saan nila napiling magsimba kasama ang ka-trabaho nilang si Haru Grail.

"O--okay, sige. Pasok na tayo." pagyaya ng dalaga sa dalawa niyang kasama.

Pansin naman ng binatang si Haru ang tila kawalang sigla sa awra ng dalagang si Lumier. Naisip niya na baka dahil 'yon sa nangyari kanina, na hanggang sa mga sandaling 'yon ay maaaring masama parin ang loob sa kaniya ng dalaga dahil sa nangyari kanina na may kinalaman sa lumang balabal.

"Naku, paano kaya ito? Mukhang galit parin yata sa akin si Lumier hanggang ngayon."

Walang nagawa si Haru nang mga sandaling iyon kundi ang sundan ng tingin ang kababata niyang si Lumier. Kahit gustung gusto nitonalapitan at kausapin ang dalaga'y hindi nito basta magawa dahil baka lalo lang 'yong magdulot ng 'di pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa.

"Bahala na." ang sabi ni Haru sa kaniyang sarili.

Sabay-sabay na pumasok sa loob ng pinaka kilalang simbahan sa buong Southampton ang tatlo. Mas kilala ang simbahan na iyon sa pangalan na St. Michael's Parish Church, isa sa pinaka matandang simbahan na itinayo noong ika-labing isang sigloat aktibo paring nagagamit bilang sambahan ng mga tao.

"Wow!" manghang mangha na saad ng dalagitang si Yufa habang pinagmamasdan nito ang mga natatanging disenyo at mga kasangkapan sa loob ng lumang simbahan. "Ang ganda talaga dito!"

"Tama ka, Yufa." Sang-ayon naman si Lumier sa mga sinabi ng dalagita.

"Nakakatuwa dahil kahit luma na ang simbahan na ito, ang ganda pa't nagagamit parin ng maayos ng mga tao." Komento naman ni Haru habang nakatingin ito sa mga tao na dagsang pumapasok sa loob ng simbahan. Ilang minuto na lang kasi ay mag-sisimula na ang misa, kaya naman dali-daling naghanap ang binata ng pinaka mainam na puwesto para sa kanilang tatlo bago pa sila tuluyang maubusan ng magandang mauupuan.

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon