Vol. 8 Kapitel Seventy One: "Gambler's Ruin"

613 39 41
                                    

Kapitel Seventy One: "Gambler's Ruin"

******

Simple lang ang magiging patakaran natin. Kung sa loob ng sampung segundo ay hindi nagsalita ang kasamahan mong si Dante...

"...kakalabitin mo ang gatilyo't ipuputok mo ito sa sintido mo."

Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi iyon isang pagbabanta, at nakakasiguro si Haru sa bagay na iyon.

Aminado siya kahit papaano na natakot siya ng bahagya sa kondisyon na hinihingi ng doktor sa kanilang munting laro habang nakatutok ang hawak nitong baril sa sintido niya. Pero hindi niya ito pinahalata, bagkus ay mas lalo pa niyang pinakita na hindi siya nasisindak sa kung ano man ang pinaplanong gawin ng doktor sa kanilang dalawa ni Dante.

"Paano kung hindi pumutok ang baril?"

Bumilib din naman kahit papaano si Doktor Barry sa tapang na ipinamalas ni Haru. Bihira siya maka-enkuwentro ng tao na kaya pang makipagtitigan sa kaniya kahit nasa bingit ito ng alanganin na situwasyon. Dahil doon kaya mas lalo siyang nasabik na makita ang mas kapanapanabik pang reaksyon mula sa mukha ng binata, lalo na sa oras na sinimulan na niya ang totoong pakay niya sa dalawa.

"Kung mapalad ka't hangin lang ang lumabas sa baril, may pagkakataon pa ang kasamahan mong ito na aminin ang mga ipinaparatang na kasalanan sa kaniya." Sagot ng doktor kay Haru habang pinupunasan nito ang baril gamit ang laylayan ng kaniyang suot na puting lab coat. "Ngunit kung sa loob ng sampung segundo ay hindi siya nagsalita't ipinutok mo ang baril at namatay ka, wala tayong ibang sisisihin kundi siya at madaragdag ito sa kaparusahan na matatanggap niya."

Hindi nagbago ang matapang na awra na nakapinta sa mukha ni Haru, indikasyon na pumapayag ito sa kondisyon ng doktor sa kanilang munting laro. Pero hindi sa mukha ng mga kasamahan ni Haru na nag-aalala para sa kaniyang kaligtasan, lalong higit kay Dante na tahimik lamang noong una ay agad na umalma sa napakamapanganib na kasunduan na gustong kasangkutan ng binata.

"H--hindi..." ang sabi niya kahit na nahihirapan itong magsalita't walang anuman na makita dahil sa piring nito sa mata. "M--makinig ka, Haru. Huwag kang...p--papayag! Nag-aaksaya ka lang ng panahon sa akin! Wala kang mapapala!"

Pero hindi inasahan ni Dante ang naging sagot ni Haru sa kaniya.

"Sige, pumapayag ako."

A--ano?!

Hindi makapaniwala si Dante sa ginagawang pasya ni Haru para sa kaniya noong mga oras na iyon. At maging ang mga kasamahan ni Haru na nanonood at nakikinig sa loob ng viewing room ay hindi rin makapaniwala sa kakaibang tapang na ipinamamalas sa kanila ngayon ng binata.

"S--si Haru ba talaga ang nakikita ko ngayon?" Tanong ni Kendall sa kaniyang mga kasama.

"Oo, s'ya 'yan..." Sagot naman ni Allain na hindi kumukurap ang mga mata na nakatitig sa matapang na imahe ni Haru na nasa loob ng torture chamber. "Grabe, hindi ako makapaniwala sa tapang na ipinapakita n'ya ngayon."

"Oo nga."

At kasabay ng pagkuha ni Haru sa baril na nakapatong sa mesa ay ang desididong loob ng binata na gawin ang lahat ng pamamaraan upang magawa niyang isalba ang kaniyang kasamahan na si Dante mula sa kamatayan.

"Hindi ako mamamatay..."

Wala ni katiting na kaba o takot na mababakas sa mukha ni Haru habang inilalapat nito ang bunganga ng baril sa kaniyang sintido.

"...dahil bago paman 'yon mangyari, sinisiguro ko na nasabi na sa akin ni Dante ang lahat at ang buong katotohanan tungkol sa pagtataksil na ipinaparatang n'yo sa kaniya."

Ghost Retriever [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon